1nthrow

Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo

  • Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo
  • Dalada na sibat ay tulang magarbo
  • Pinahatid ang mga malalang regalo ko
  • Sa utak alimango maluwang na karo
  • Gitgitan na kami ng aliwin
  • Ng mga pangarap na hindi kaya bilhin
  • Marami man ang pumapantasya
  • Bilang lang sa daliri ang pwede tumikim
  • Mundong inakala kong laro lang
  • Nasimulan na maging kilala ko na
  • Pagkatapos sawayin ng mga karanasan
  • Na dala ko piring sa mata
  • Kinagatan ang trip ng karamihan
  • Kahit na hindi madaling nguyain sa panga
  • Baka naman ay magyapak ka nalang
  • Pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa
  • Katawa tawa na isipin
  • Ngayon pa ko nadala sa pagiging patapon
  • Na malala sa alipin ang mahalaga nabawi rin
  • May napapala kada gising ko
  • Sa kama kahit na gipit ako
  • Na dumilat ay todo kayod kalabaw
  • Kahit na walang sahod sa lamesa
  • Walang karapatan na mapagod
  • Kung 'di na kaya ibigay ni Itay
  • Ang mga hiling sa dumaan na kometa
  • Panahon na para ilabas ang mga kaalaman
  • Na itinabi ko sa bodega
  • Ang usapan ba dito karera
  • Dala ko'y tangke na de kalesa
  • Bumbilya ko'y alam ko na paganahin
  • Ayoko na magtiyaga pa sa gasera
  • Ang haring araw ay nakauwi na
  • Ano kayang ipapakita ko
  • Na mukha sa buwan
  • Nakangiwi ba o nakangiti na
  • Parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina
  • Pagkadoble cara pangkaraniwan
  • Sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian
  • Sumabay sa alon o magpakasalbabida ah
  • Habang sila tanging hangarin
  • 'Di na gumamit pa ng pambura
  • Akin ay pa'no pa ba ko
  • Sa sariling baho ko mapasuka
  • Sa dami ng palabukang bibig
  • 'Di ko maiwasan na mapamura ako
  • Laban sa mga tengang
  • Panalang latak lamang ang napuna
  • Kaya kung bakit ba 'ko nandito
  • Karaniwan na tanong ng ilan
  • Kahit na sa pagkabalagong nalibang
  • Niluwal ako para sa matinong dahilan
  • Kahit patapon sa ilan
  • Pagkakataong hiniram nagkaron parin ng dahilan
  • Para umasa na dumating
  • Ang panahon ng napakalagong anihan
  • Pinili ang mga dapat kalabanin
  • Pero 'di kung sino ba papalagan
  • Bago pa gawin na katawa tawa
  • Pagkatao na 'di nila tipo makita pinakawalan
  • Mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida
  • Gaganapan sariwang era ko'y abangan
  • Peke ang mundo na iyong ginagalawan
  • Kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran
00:00
-00:00
查看作品详情
Let's listen to my solo!

29 9 1

2023-1-9 12:32 INFINIX MOBILITY LIMITEDInfinix X695

礼物榜

累计: 0 7

评论 9