Tao Lang

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

  • Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
  • Ako ay tao lang din naman na tulad mo
  • Ano ba ang dapat kung gawin
  • Dapat bang kamuhian
  • O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
  • Parinig naman ng rap mo sample naman d'yan
  • Ang ganda naman ng cap mo arbor na lang 'yan
  • Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago
  • Bakit wala kang battle
  • Takot ka bang matalo ha
  • Paulit ulit ang tanong ng mga tao
  • Huwag sanang apurado ano'ng magagawa ko
  • Wala akong maisip masyado pang mainit
  • Akala mo tuloy mukhang suplado 'pag tahimik
  • Pagod lang talaga galing gig Tuguegarao
  • Walong oras sa van tatlong oras sa kalabaw
  • Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman
  • Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
  • Laging puyat nagkalat ang papel na nilamukos
  • Ang dami ng kapeng ipinautos
  • Tinta ng aking ballpen malapit nang maubos
  • Isang patak na lang pero aking ibubuhos
  • Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
  • Ako ay tao lang din naman na tulad mo
  • Ano ba ang dapat na gawin
  • Dapat bang kamuhian
  • O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na
  • Kasi sapul sa pagkabata sablay no'ng tumanda
  • Lumakad humakbang hanggang sa madapa
  • Huwag kang mawawalan ng pag asa huwag kang madadala
  • Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
  • Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
  • Ang buhay ay utang hulugan ang bayad
  • Kaya huwag kang matakot magkamali
  • Pero alalay lang huwag kang masyadong magmadali
  • 'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
  • Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay
  • Na kadalasan ay hindi nasusunod
  • Ayoko nang sumali gusto kong manood
  • Minsan wala nang gana ayoko nang mag rap
  • Kasi akala ko dati alam ko na lahat
  • 'Yon pala kulang pa ang kaalaman kong labis
  • Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis
  • Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
  • Ako ay tao lang din naman na tulad mo
  • Ano ba ang dapat na gawin
  • Dapat bang kamuhian
  • O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na
  • Pero 'di ba tao ka lang din 'di mo ba napansin
  • Kahit anong taas mo na titingala ka pa rin
  • Kahit planuhin mong mabuti bakit gano'n pa rin
  • 'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
  • Kadalasan nangyayari ay ang kabaliktaran
  • Marami kang detalye na makakaligtaan
  • Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
  • Ano'ng magagawa mo tao ka lang
  • Napapagod natatakot naiinip
  • Natatawa nagtataka naiinggit
  • Nangangawit nagagalit nabibigla
  • Nalulungkot nauutot nahihiya
  • Natutukso nakukonsensya nauubusan din ng pasensya
  • Nasasaktan nagmumura
  • Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na
  • Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
  • Ako ay tao lang din naman na tulad mo
  • Ano ba ang dapat na gawin
  • Dapat bang kamuhian
  • O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
  • Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
  • Ako ay tao lang din naman na tulad mo
  • Ano ba ang dapat na gawin
  • Dapat bang kamuhian ano ba
  • O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Pasensya na tao lang
  • Kagaya mo tao lang
  • Kagaya mo tao lang
  • Pasensya na
  • Wala tayong pagkakaiba
  • Pasensya na sorry naman
  • Kung pwede lang sanang isoli na lang
  • Pasensya na
  • Pasensya na
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Come to join my duet!

20 4 1

2021-10-4 13:59 vivo 1920

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 2

ความเห็น 4