Paglisan Rapkustic

Bakit pa kailangan na masaktan

  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
  • Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
  • Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
  • Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat
  • Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
  • Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
  • Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
  • Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari
  • At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap
  • Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
  • Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
  • Bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
  • Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
  • Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
  • Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran
  • Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob
  • At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
  • Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
  • Katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan
  • Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
  • Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
  • Na maibalik ang dati at makapiling sa twina
  • Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
  • At hindi talaga tau ang itinakda ng diyos
  • Kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos
  • Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
  • Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran
  • Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
  • Na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo
  • Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito
  • Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay koh
  • Bakit kailangan humantong sa hiwalyan ng lahat
  • Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap
  • Hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta
  • Ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa
  • Bakit
  • Walang pagsidlan ang saya nung makilala ko ikaw
  • Ngunit lahat ay nagbago noong makilala ko ikaw
  • Tanggap ko na kung di ka sa akin ikaw ay sa kanya
  • Mahal kita pero di tayo para sa isa't isa
  • Kung kaya ko lng pahupain ang nadaramang ito
  • Ngunit di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo
  • Kasi sobrang mahal kita yan ang pakatandaan mo
  • At minahal kitang lubos ng higit pa sa buhay ko
  • Walang pagsidlan ang saya nung makilala ko ikaw
  • Ngunit lahat ay nagbago noong makilala ko ikaw
  • Tanggap ko na kung di ka sa akin ikaw ay sa kanya
  • Mahal kita pero di tayo para sa isa't isa
  • Kung kaya ko lng pahupain ang nadaramang ito
  • Ngunit di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo
  • Sobrang mahal kita yan ang pakatandaan mo
  • At minahal kitang lubos ng higit pa sa buhay ko
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
samahan mo naman ako🙏🙏

77 3 1285

2020-12-29 14:59 samsungSM-A107F

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 6

ความเห็น 3