Sulat

Nung isang araw sa may tapat ng pintuan

  • Nung isang araw sa may tapat ng pintuan
  • May isang mama at may siyang dala sulat
  • Nang basahin ko humihingi siya ng tulong
  • Dahil daw sa kanyang anak na maysakit
  • Siya'y amoy-alak mata'y namumula
  • Kaya daw naglasing dahil sa problema
  • Sa awa ko dinukot ko ang piso sa bulsa
  • Ang sabi niya ay mama kulang dagdagan pa
  • Kaya ako dumukot ng sampo dinagdagan
  • Siya nama'y nakangiti at biglang lumisan
  • Siya'y sinundan ko di n'ya nalalaman
  • At siya'y nakita kong pumasok sa ihaw-ihaw
  • Ako'y lumapit sa kanya
  • At siya ay nabigla
  • Para bang nakakita ng multo ang mama
  • Oh ilan kaya ang tulad ng taong ito
  • May dalang sulat upang manloko ng kapwa
  • Pag nakita n'yo itong taong ito
  • Mag-ingat kayo
  • Baka kayo'y maloko
  • Pag nakita n'yo itong taong ito
  • Mag-ingat kayo
  • Baka kayo'y maloko
00:00
-00:00
查看作品详情
Let's hear it!

59 6 1

2020-7-24 16:02

礼物榜

累计: 1 12

评论 6