Indak

Tatakbo at gagalaw

  • Tatakbo at gagalaw
  • Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
  • Kulang na lang atakihin
  • Ang paghinga'y nabibitin
  • Ang dahilang alam mo na
  • Kahit ano pang sabihin nila
  • Tayong dalawa lamang ang makakaalam
  • Ngunit ako ngayo'y naguguluhan
  • Makikinig ba ako
  • Sa aking isip na dati pa namang magulo
  • O iindak na lamang
  • Sa tibok ng puso mo
  • At aasahan ko na lamang na
  • Hindi mo aapakan ang aking mga paa
  • Pipikit na lamang at mag-sasayaw
  • Habang nanonood siya
  • Paalis at pabalik
  • May baong yakap at suklian ng halik
  • Magpapaalam at mag-sisisi
  • Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi
  • Tayong dalawa lamang ang nakakaalam
  • Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko
  • Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
  • Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo
  • Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
  • At aasahan ko hindi niya lamang aapakan ang aking mga paa
  • Pipikit na lamang at mag-sasaya
  • Habang nalulungkot ka
  • Pipikit na lamang at magsasaya
  • Habang nalulungkot ka
  • Ako'y litong-lito
  • Tulungan niyo ako
  • Di ko na alam
  • Kung sino pang aking pagbibigyan o
  • Ayoko na ng ganito
  • Ako ay litong-lito ohwooh
00:00
-00:00
View song details
Faveeee

71 4 2897

2020-7-25 22:10

Gifts

Total: 0 56

Comments 4