Hindi Mo Nadinig

Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan

  • Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
  • Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
  • Nagkamali ako sa mga pangako mo
  • Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
  • Minahal na kita nang makita kita
  • Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
  • Kinapalan ang mukha niligawan kita
  • Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
  • Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
  • Kahit na anong mangyari ako'y di bumitaw
  • Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
  • Ang aking kayakap ay walang iba kungdi ikaw
  • Kaya't ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
  • Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay
  • At sinabi sa'kin sa hangin parang tinangay
  • Nang minahal mo ako pwede na kong mamatay
  • Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit
  • Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit
  • Kahit minsa'y nagtatalo sayo'y di kayang magalit
  • Bawat hakbang palayo ako'y patakbong lumalapit
  • Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
  • Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat
  • Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo
  • Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo
  • Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
  • Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
  • Nagkamali ako sa mga pangako mo
  • Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
  • Lagi kang ginagabi ang huli kagabi
  • Madalis na magising wala ka saking tabi
  • Pero di naman siguro baka guni-guni ko lamang to
  • Walang lang to siya'y may pinapabili
  • Bagong damit bagong alahas mahal basta ikaw
  • Dagdagan mo pa ng prutas mangga basta hilaw
  • Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
  • Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
  • Ako ay medyo natuwa di kaya sana naman
  • Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
  • Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman
  • Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
  • Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo
  • Di ko lubos maisip di ko alam kung pano
  • Unti-unting nagbago dinuduro mo pa ko
  • Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
  • Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding
  • Huling-huli sa akto sa'kin binaling ang tingin
  • Hindi na kita mahal sabay hubad ng yong singsing
  • Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin
  • Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
  • Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
  • Nagkamali ako sa mga pangako mo
  • Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
  • Ako'y bumunot ng baril na dinala kaya pala
  • Kahit walang dahilan magagamit ko pala
  • Parang namamagang singaw buong dugong nakabara
  • Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga
  • Pinilingan ang mata tinalian ang kamay
  • Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay
  • Kahit kayo ay mag-ingay sige todo bigay
  • Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday
  • Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
  • Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
  • Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko
  • Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido
  • Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon
  • Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
  • Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
  • Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon
  • Lumamig na ang luhang galing sayo at tumilig
  • Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
  • Daliri ko'y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
  • Minahal naman kita bakit hindi mo nadinig
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
para sa mga manloloko jan hahahaha

71 7 1789

2020-7-26 22:05

Quà

Tổng: 0 30

Bình luận 7