Lando

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

  • Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
  • Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
  • Di ka hahayaan na muli pang masaktan
  • Wag ka nang matakot sa dilim
  • Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
  • Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y elsa at lando
  • At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
  • Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
  • Ng buhay ni lando ay di nalalayo sa marami
  • Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
  • Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
  • Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
  • Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
  • Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
  • Makipagkapwa tao sa mga tulad niyang dukha
  • Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig
  • Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
  • Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
  • Di ka hahayaan na muli pang masaktan
  • Wag ka nang matakot sa dilim
  • Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
  • Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
  • Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
  • Niyayang magtanan di nag atubili na sumama
  • Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
  • Nagpakalayo layo di namuhay na may kaba
  • Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan
  • At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
  • Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
  • Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
  • At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
  • Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa
  • Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
  • Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
  • Di ka hahayaan na muli pang masaktan
  • Wag ka nang matakot sa dilim
  • Isang gabi na huwebes lumubog na ang araw
  • Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
  • Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
  • Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
  • Eskinita sa ermita may sumaksak kay elsa
  • Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
  • Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
  • Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
  • Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
  • At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
  • Bakit po bakit po ang laging lumalabas
  • Sa' king bibig palaboy laboy ni walang landas
  • Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
  • Siguro nga di ko na kilala aking sarili
  • Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
  • At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
  • At ang sabi
  • Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
  • Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
  • Di ka hahayaan na muli pang masaktan
  • Wag ka nang matakot sa dilim
  • Wag ka nang matakot sa dilim
00:00
-00:00
查看作品詳情
Try daw...

86 14 1476

2020-7-24 20:57

禮物榜

累計: 0 9

評論 14