Breadwinner

Bakit ba ganito

  • Bakit ba ganito
  • Tanong ko lang mahalaga ba ako sa inyo
  • Bakit parang ako lang ang may pasan nito
  • Pamilya ko nga ba talaga kayo
  • Sana'y mahalin niyo rin ako oh
  • Lahat ay gagawin ko ooh
  • Para sa inyo
  • Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan
  • Pero bakit ganun akoy inyong tinakbuhan
  • Ang anak niyo lamang ay yung matalino kong kapatid
  • Kahit sagot ko naman ang lahat pag tayo ay said
  • Mabait lang kayo Ma Pa pag may kailangan
  • Ang lambing niyo ah tatay tatayan nanay nanayan
  • Yan ang galawan na inyong nakasanayan
  • Anak yung utang ko kelangan ng bayaran
  • Ano po ba ang tingin niyo sakin ha mayaman
  • Pag wala 'kong naibigay ako may kasalanan
  • Mga miyembro ng pamilya mo na abusado
  • Hingi lang ng hingi sayo ayaw mag trabaho
  • Pag 'di ka nakapagbigay ikaw pa ang masama
  • Wala eh pamilya mo kaya wala kang magawa
  • Kung lagi kayong ganyan pa'no naman ako
  • Isipin niyo naman ako wag yung kayo lang ng kayo
  • Lagi nalang ako bakit ganto
  • Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo
  • Kung mahal niyo ako niyo ako
  • Hindi sana ganto
  • Hindi sana ganto
  • Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo
  • Kahit parang ako lang ang may pasan nito
  • Pipilitin ko paring kayanin 'to
  • Sana'y mahalin niyo rin ako oh
  • Lahat ay gagawin ko para sa inyo
  • Mismong magulang mo ikaw ay palaging sinasaktan
  • Sobrang sakit na pero pilit mo paring tinatakpan
  • Minsan hindi mo na alam kung ano ang gagawin
  • Sa agos ng buhay na to san nga ba tayo dadalhin
  • Kasi nakakapagod ng huminga
  • Pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na
  • Ang tagal ko ng nabubuhay pero halos walang bago
  • Talunan parin ang tingin sakin ng mga tao
  • Kung buhay ang tawag dito ayoko ng mabuhay
  • Gusto nila pekeng ikaw ayaw nila ng tunay
  • Gusto nila kung ano sila dapat ganun kadin
  • Sa panahong ngayon tanong ko lang dapat ba yong gawin
  • Walang nangangamusta wala ring kumakausap
  • Pag pikit ko halos ayaw ko ng buksan ang talukap
  • Nakakapagod na nakakapagod na
  • Buhay na bigay mo sakin saan nga ba ang punta Diyos Ama
  • Lagi nalang ako bakit ganto
  • Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo
  • Kung mahal niyo ako niyo ako
  • Hindi sana ganto
  • Hindi sana ganto
  • Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo
  • Kahit parang ako lang ang may pasan nito
  • Pipilitin ko paring kayanin 'to
  • Sana'y mahalin niyo rin ako oh
  • Lahat ay gagawin ko para sa inyo
  • Kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan
  • Habangbuhay yan nandiyan hindi ka niyan tatantanan
  • Sarili mo lang ang kakampi mo oo walang iba
  • Sa mundong to haharapin mo ang laban ng mag isa
  • Oo mag isa nuon pa man ganun naman diba
  • Kapag meron ka lang tska lamang nandidiyan sila
  • Para makahiram ng pera ang lakas pa mang uto
  • Sasabihin pang parang di naman tayo magkadugo
  • Kadugo wag niyo naman sanang abusuhin
  • Porke kilala niyo 'ko na masyadong masunurin
  • Ayoko pa naman sa lahat mga mangagamit
  • Hindi ko namalayan ako na pala nagamit
  • Pero ganun pa man kahit sobrang galit ako
  • 'Di ko parin makayanan na ipagpalit kayo
  • Dahil isa lang ang mundo bali baliktarin man 'to
  • Kayo parin at ako pamilya ko parin kayo
  • Kahit parang ako lang ang may pasan nito
  • Pipilitin ko paring kayanin 'to
  • Sana'y mahalin niyo rin ako oh
  • Lahat ay gagawin ko para sa inyo
  • Kahit parang ako lang ang may pasan nito
  • Pipilitin ko paring kayanin 'to
  • Sana'y mahalin niyo rin ako oh
  • Lahat ay gagawin ko para sa inyo
  • Mmmmm
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's hear it!

52 2 1

2020-7-26 15:16

Tangga lagu hadiah

Total: 0 4

Komentar 2

  • Ishtar 2020-7-26 16:49

    Wonderful cover!

  • 🇵🇭𝕸𝖚𝖘𝖎𝖈 𝖑𝖔𝖛𝖊𝖗❤💛🫶🫰 2021-1-26 12:55

    🙂👍Nice! 💐🌷🌻🌹🌸💮🏵️🌼🌺🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁🎁⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟