Alaala Nalang

Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal

  • Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal
  • Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at may kapal
  • Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na to
  • Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako
  • Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon
  • Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon
  • Sa tingin ko hinde hindi ko kaya
  • Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka
  • Wala ka na dito sa aking tabi kaya di na mapigil ang luha
  • Gusto kitang makapiling mayakap mahalikan yun lang di ko pa makuha
  • Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan
  • Pangungulila ko sa iyo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan
  • Di ito madali para sayo ngunit mas hindi madali to para sakin
  • At alam kong hindi tayo magkakalapet kahit sa isang libong dalangin
  • Nadadama ang lungkot at puot hinagpis at ang pagkabigo at pasakit
  • Ngunit gaano ka man kalayo saking puso palagi ka ditong malapit
  • Inisip ko kung bakit ganito ang langit
  • Nilayo ako sayo
  • Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
  • Na ako'y hindi bigo
  • Ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to
  • Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako
  • Binibilang ang mga araw hanggang saking pagalis
  • Habang palapit ng palapit lalo akong nagtitiis
  • At tinatago ang namumuong lungkot saking damdamin
  • Di mo lang alam di ko na kaya di ko lang maamin
  • Dahil sabi mo sa akin masaya ka para sakin
  • Di mo lang alam ako'y nalulungkot na para satin
  • Dahil tayo'y magkakalayo ng walang kalaban laban
  • Ang masakit pa doon kung kelan pa tayo nagmamahalan
  • Nagmahalan tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano
  • Ng kapalarang naging malupet ako'y inilayo sayo ng eroplano
  • Habang ako'y nasa himpapawid ako'y nakatingin sa mga alapaap
  • At iniisip na sa alaala nalang ba kita muling makakayakap
  • At sa gabi nakatitig sa mga larawan na katabi ko saking kama
  • Nakatingin at tinatanong dito na lamang ba tayo magkakasama
  • Nasa malayo na ang aking katawang tao at parang pinipilas
  • Dahil puso ko'y naiwan jan sayo sa pilipinas
  • Inisip ko kung bakit ganito ang langit
  • Nilayo ako sayo
  • Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
  • Na ako'y hindi bigo
00:00
-00:00
View song details
Let's hear it!

81 3 2777

2020-7-26 22:31

Gifts

Total: 0 23

Comments 3