Kasalukuyan

Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan

  • Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan
  • Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan
  • May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan
  • Alam kong alam nyo na mali po yan
  • Mag-aaral na madalas pa sa inuman kesa sa paaralan
  • Naka-lock pintuan wala ng hintuan
  • Mga batang babae na pag nasa inuman
  • At nahipuan ta's nalibugan lahat nakakalimutan
  • Pag nagbunga dahil pinairal landi niya tiyak
  • Meron na namang pamilya na walang wala sa lipunan
  • Kasi ginagawa pa din di naman napag-ipunan
  • Pag ang hinaharap di maharap tatalikuran
  • Lalaking nakikipagtalik kung kani-kanino
  • Pag nakabuntis di mo na makita maski anino
  • Ang obligasyon sa bata ay kakalimutan
  • Kawawang sanggol nakaranas agad ng kabiguan
  • Di ko naman nais na pakialaman ang buhay mo
  • Napansin ko lang kasi na ang haba na ng sungay mo
  • Nagkakandarapa sa pagkayod nanay at tatay mo
  • Anong tingin mo sa kanila sa bahay nyo alalay mo
  • Puro damo bato damo bato
  • Yan ang lagi niyong bukambibig ano ba'to
  • Sabog ka lang pakiramdam mo astig ka pag nakasinde
  • Feeling king oo king ng mga walang silbe
  • Ibenta mo na utak mo kung di mo ginagamit
  • Pagkat agwat ng utak niyo ni Geo di malapit
  • Pag pinaisip mo ng kalokohan punong puno
  • Ang utak pero pag seryosohan tuyong tuyo
  • Tumatanda ka ng batugan wala kang pakinabang
  • Wala ka pang diskarte panay ka kasi yabang
  • May pangarap ka rin ba na gusto mo makamit
  • Oh nag-aantay ka lang ng bagong usong pananamit
  • Mas inuuna pa ang bisyo kesa humanap ng piso
  • Ba't ka ba ganyan ba't sobrang landi mo ano
  • Nalang kaya ang mangyayare sayo
  • Kung itutuloy mo pa rin pagiging laging ganto ha
  • When we look at our lives today
  • Lagi na lang udlot laging may nasasayang
  • Laging hindi tayo makaabot sa standard
  • Kaya ayaw sa bahay nila
  • 'Asa bahay sanglaan bahay inuman bahay sugalan
  • Bahay ng mga babaeng hindi lumilipad
  • Bahay ng mga lalaking di mo alam kung lalaki
  • Iba ibang bahay
  • Pero yung lahat ng bahay na yun
  • Ay mga bahay na kulungan
  • Akala mo masaya ka but you are actually
  • Limited pagka nakabilanggo ka
  • Limited ka restrained ka
  • Hindi mo maeenjoy ang talagang gusto mong enjoy
  • Ang ineenjoy mo lang akala mo nagbibigay ng enjoyment but
  • It is always bitin
  • Sobra ka kung manghingi ng pambaon
  • Di naman pumapasok nagdodota ka lang maghapon
  • Pagdating ng panahon sigurado bagsak ang grado
  • Nakakapanghinayang ang mga ganyan na tao
  • Sandamakmak ang pagkakataong nasayang
  • Nung napahiga di na nakabangon sa kamang
  • Merong bed sheet ng kamalasan
  • Niyapos yapos nilaway lawayan ang unan ng katamaran
  • Nagkanda baon baon ka na nakaraang taon
  • Kakaadik hanggang ngayon ano sanay ka na ng ganun
  • Habangbuhay ka na lang bang magpapa-alipin sa kahirapan
  • Ang haba ng listahan sa tindahan para sa pangangailangan
  • Tatlong libong piso para sa paboritong bisyo
  • Pag giyang na't aburido shabu doon shabu rito
  • Mga sir paalala lang di na uso ang lagay
  • Huwag niyong sisihin si Duterte kapag ka may namatay
  • Malalaswang galawan ng mga pasok sa p Big brother
  • Tipong kakakilala lang sila na kagad 3 days after
  • Diba't yan ang natututunan niyo kakapanuod
  • Inuunang pagandahin ang labas kesa panloob
  • Para may pang walwal nanakawan pati magulang
  • Anak bat ka ba ganyan san ba kami nagkulang
  • Wala ka lang pake kase bingi ka na
  • Ang naririnig mo nalang ay pare sindi ka pa
  • At wag na wag na wag mong sisisihin kahirapan
  • Nagsisikap magulang mo para lamang maigapang
  • Ang iyong pag-aaral wala kang kasing yabang
  • Wala ka ding galang nakahiga lang
  • Dakilang walang pakinabang
  • Sa pamilya
  • Yung mga anak na matitigas ang ulo
  • Yung mga anak na naglalayas
  • Wala siyang proteksyon ng kanyang mga magulang
  • Gusto magsarili ayun
  • Imbis na mag-aral hindi nakapag-aral
  • Sa mga magulang niya pinag-aaral siya
  • Ayaw nya ayun nag-stand by
  • Yung ibang mga kapatid nakatapos na siya stand by pa din
  • Uuwi yan ng bahay after many many many many many problema's
  • Either may tama na o nalagpasan na siya
  • Ng pagkakataong mag-aral pa at makaabante sa buhay
  • Karanasan ko rin sa buhay ang aking pinanghugutan
  • At saktong ito ang nangyayare sa kasalukuyan
  • Makiuso pag may uso yan ay sakit na natin
  • Pero di yan tama dapat ang sarili ay hanapin
  • Ang pinakamali sa lahat ng pagkakamali
  • Yung di mo alam na meron kang ginagawang mali
  • Ituwid natin ang baluktot nating nakaraan
  • Gawing tama ang ating mga maling karanasan
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
PREACH Hahahahaha

11 0 1

2019-5-5 10:41 asusASUS_X00DDA

Quà

Tổng: 0 1

Bình luận 0