Kahel At Bughaw(Music from the Original TV Series "Beki Problems")

Ang taglay niyang

  • Ang taglay niyang
  • Kulay ay bughaw
  • At sa kakisigan niya
  • Ako'y napukaw
  • Ako nama'y
  • Kahel na marikit
  • Isang baluktot na yagit
  • Na hindi maituwid
  • Kahit ano'ng ipilit
  • Musmos pa lang nang
  • Kami'y magkalaro
  • At sa mga kalaba'y
  • 'Di sumuko
  • At kahit na ako'y
  • Sinasaktan
  • Dahil 'di pangkaraniwan
  • Sabi ni bughaw
  • Ako ay kaibigan
  • At siya ang
  • Aking pananggalang
  • At mula noo'y
  • Ibinigay ang puso ko
  • Sa isang pangarap
  • Na hindi magkakatotoo
  • Dahil ako'y isang
  • Kahel na ligaw
  • Na umiibig sa isang bughaw
  • At noong kami'y magbinata
  • Sa aki'y meron
  • Siyang pinakilala
  • Isang babaeng marikit
  • Na maganda at mabait
  • Kaya si bughaw
  • Kay pula naakit
  • At sa altar siya'y
  • Naghintay
  • Sa babaeng aalayan
  • Niya ng buhay
  • Ako nama'y naro'n
  • Lang sa tabi
  • Nakangiti kahit masakit
  • Ngunit ang makita
  • Siya na maligaya
  • Ay sapat na upang
  • Ako ay sumaya
  • Dahil sa kanya pa rin
  • Tumitibok ang puso ko
  • Siya ang tanging pangarap
  • Kong hindi nagkatotoo
  • Ngayon ako'y
  • Isang kahel na uhaw
  • Na umiibig sa
  • Isang bughaw
  • At ang mga tao'y lumipas na
  • Siya ay nagkamilya at
  • Ako'y tumandang mag isa at
  • Sa huling hibla
  • Ng aking buhay
  • Si bughaw sa
  • Aki'y naka akay
  • Ang sabi niya o kahel
  • Kong marikit
  • Sa palad mo nakaguhit
  • Ang pangakong ako ang
  • 'Yong kaibigan
  • Nandito lang ako
  • Kailan pa man
  • At hindi ko man
  • Ibinigay ang puso ko
  • Sabay naman nating
  • Tinupad ang
  • Mga pangarap mo
  • Salamat kahel at
  • Hindi ka bumitaw
  • Salamat nagmamahal bughaw
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's listen to my solo!

37 10 6291

4-28 15:10 iPhone 14

Tangga lagu hadiah

Total: 0 4

Komentar 10