Isla Puting Bato

Isang gabi nanaginip ako

  • Isang gabi nanaginip ako
  • Lumubog ang sinasakyan kong barko
  • Inanod ako sa lakas ng hangin
  • Hanggang sa napadpad ako sa buhangin
  • Akoy natuwa dahil akoy buhay
  • Nang may nakita akong
  • Babaing walang malay
  • Siyay nilapitan upang aking tulungan
  • Nang siyay natauhan ay aking namasdan
  • O kay amo ng kanyang mukha
  • Sa ganda para siyang diwata
  • Kahit gan'to ang aking sinapit
  • Ngunit siya naman ay hulog ng langit
  • Sa isla puting bato
  • Naging sarili namin ang mundo
  • Walang naging hadlang doon
  • Kahit kami ay magpa gulong gulong
  • Lugar na tahimik ngayoy sumaya
  • Sa pag-iibigan naming dalawa
  • Nalunod ako sa kanyang mga halik
  • At sa yakap niya na anong higpit
  • Nawalay man sa mga mahal sa buhay
  • Di ko na naisipan pa ang malumbay
  • Magagandang tanawin at sariwang prutas
  • At ang kalayaan na dinaranas
  • Ngunit ang tunay na kailangan
  • Sa aking lubos na kaligayahan
  • Ay ang tulad niya na aking pangarap
  • At sa piling niya na walang kasing sarapppp
  • Sa isla puting bato
  • Naging sarili namin ang mundo
  • Walang naging hadlang doon
  • Kahit kami ay magpa gulong gulong
  • Nilimut namin ang aming problema
  • Paraiso na para sa'min ang isla
  • Takbo ng oras ay walang sinasayang
  • Naghahabulan at nagkakantahan
  • Hanggang sa sumapit ang bilog na buwan
  • Kami ay nagmistulang eba at adan
  • At nang titikman ko na ang kanyang mansanas
  • Ako'y nabigla at napa-baligwas
  • Ako pala ay nagising
  • Sa panaginip ay nabitin
  • Panaginip na anong ganda
  • Sa pagtulog ko sana'y muli siyang makita
  • Sa isla puting bato
  • Naging sarili namin ang mundo
  • Walang naging hadlang doon
  • Kahit kami ay magpa gulong gulong
  • Sa isla puting bato
  • Naging sarili namin ang mundo
  • Walang naging hadlang doon
  • Kahit kami ay magpa gulong gulong
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát

618 18 4998

2020-9-17 19:35 realmeRMX2189

Quà

Tổng: 0 69

Bình luận 18