Pahina

Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin

  • Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin
  • Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
  • Sa usok ay sabog nilulunok nalang yung hangin
  • At isipin na busog baka bukas mapapalarin
  • Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
  • Mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
  • Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
  • Ngayon alam mo na ang sulat at sugat ko'y malalim
  • Inisip lang pagsubok 'to hanggang kalian 'to tatagal
  • Hanggang daga saking dibdib unti unting natatanggal
  • Bakal na puso ko pano 'ko magmamahal
  • Natutulog ba ang Diyos kaya pano ako magdadasal
  • Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
  • Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
  • Akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
  • Sakin ang titulo ng hinahangad kong palasyo
  • Sinimulan ko 'to walang naniniwala
  • Sa paligid ko
  • Eh ano eh ano
  • Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
  • At mas sisipagan ko pa
  • Kahit maubusan pa 'ko
  • Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
  • Maubusan man ng hininga
  • Di na para ako ay tumigil pa
  • Ladies and gentlemen
  • Subukan natin bumalik
  • Sa bawat daan na matinik
  • Kahit na hindi makahalik
  • Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
  • Kami pailan ilan noon
  • Mga taga igib sa balon
  • Mababaw man o malalim
  • Palarin man o malasin
  • Ay naka handa na tumalon
  • Sa bangin man o sa tulay
  • Madilim at walang gabay
  • Lahat ng bawal ay sinusuway
  • Gabi na'y naghuhukay makita lang saking kamay
  • Kahit maputik hatak sa lubid
  • Laging uhaw at kulang sa tubig
  • Kung may mali sige umulit
  • Sa bagong papel pangarap mo'y iguhit
  • Sinimulan ko 'to walang naniniwala
  • Sa paligid ko
  • Eh ano eh ano
  • Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
  • At mas sisipagan ko pa
  • Kahit maubusan pa 'ko
  • Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
  • Maubusan man ng hininga
  • Di na para ako ay tumigil pa
  • Naging bulag pipi't bingi sa payo ng iba
  • Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
  • Kausap ang sarili san ba 'to mapupunta
  • Rehab kulungan kamatayan mamili ka
  • Pero hindi kailangan ko nang matakasan
  • At isulat sa papel lahat ng naranasan
  • Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
  • Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
  • Mga pikit ang pananaw may araw akong titignan
  • Tamis ng tagumpay unti unti 'ko nang matitikman
  • Nasan korona ang ulo ko ay lalagyan
  • Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
  • Tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
  • Madalasan din maiwanan ang aking anino
  • Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
  • Sa Marlon Aristotle Andrew at Kiko
  • Sinimulan ko 'to walang naniniwala
  • Sa paligid ko
  • Eh ano eh ano
  • Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
  • At mas sisipagan ko pa
  • Kahit maubusan pa 'ko
  • Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
  • Maubusan man ng hininga
  • Di na para ako ay tumigil pa
  • Yeh no
  • Di na para ako ay tumigil pa
00:00
-00:00
View song details
Pakinggan natin ang solo ko!

26 4 5048

6-10 09:31 OPPOCPH2159

Gifts

Total: 0 7

Comments 4