Malayo Ka Man

Malayo ka man mahal lagi mong tandaan

  • Malayo ka man mahal lagi mong tandaan
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang
  • Magtiwala ka lang
  • Tawid dagat man ang pagitan nating dalawa
  • 'Di 'yon makakahadlang
  • Kahit malayo ka man
  • Mahal kamusta ka na
  • Mag-iingat ka palagi 'wag kang mag-alala
  • 'Di man kita makasama ngayon
  • Pero hindi 'yon rason
  • Para ako ay maghanap pa ng iba
  • Sapagkat ako'y kuntento na sa'yong-sa'yo lang ako
  • Ikaw ang kumumpleto sa mundo ko at bumuo
  • Kaya wala ng dahilan para ako'y magloko
  • Pa sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya
  • Magtiwala ka lang lagi mong tatandaan
  • Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang
  • Kahit malayo ka man
  • Makakaasang hanggang dulo 'di ka papalitan
  • Kaya mahal
  • Magtiwala ka lang
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sayo lang
  • Kahit
  • Malayo ka man
  • Mahal lagi mong tandaan
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang
  • Magtiwala ka lang
  • Tawid dagat man ang pagitan
  • Nating dalawa
  • 'Di 'yon makakahadlang
  • Kahit malayo ka man
  • Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo
  • Baka upang pagtibayin ng hindi na mabigo
  • Hawak kamay na kinapitan ang pangakong binuo
  • Na kailanma'y 'di papatinag sa tuksong mapangbuyo
  • Mapaglaro si Bathala susubukin ang tatag
  • Makasiguro lang na tayong dalawa'y tinadhana
  • Kakayanin ang lahat mapatunayan lang
  • Pagmamahal ko lagi sa'yo ay tapat
  • Malayo man ating pagitan sa ngayon 'wag umiyak
  • Sapagkat magkakayakap pang muli 'yan ang tiyak
  • Palagi kang inaalala sa'n man dalhin ng yapak
  • Ng aking mga paa mananatili ang galak
  • Ang galak na muli kang mahagkan at halikan
  • Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan
  • Sa aking pagbabalik sabay nating dudugtungan
  • Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan
  • Malayo ka man
  • Mahal lagi mong tandaan
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang
  • Magtiwala ka lang
  • Tawid dagat man ang pagitan
  • Nating dalawa
  • 'Di 'yon makakahadlang
  • Kahit malayo ka man
  • Mga araw at gabi na hindi kita katabi
  • Nakakapanibago 'di alam kung pa'no
  • Pa'no ko makakayanan na hindi kita kasama
  • Ang distansiya natin ay napakalayo
  • Pa'no 'ko makakadayo
  • Kung pagitan natin libu-libo na espasyo
  • Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo
  • Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo
  • Pero kahit na gano'n pa man
  • Pakatandaan palagi na andito lang ako
  • Sa'yo nag-aantay nakaabang
  • Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan
  • Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo
  • Tiwala at lubos ko na pagmamahal
  • Libo mang kilometro agwat sa isa't-isa
  • Sa ating puso ay mananatili pa ring espesyal
  • Malayo ka man mahal lagi mo tandaan
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang
  • Magtiwala ka lang tawid dagat man ang pagitan nating dalawa
  • 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man
  • Kahit malayo ka man 'di magbabago
  • Sa'yong-sa'yo lang ang pag-ibig ko 'di maglalaho
  • Kaya 'wag kang mangamba at 'wag kang mag-alala
  • 'Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa
  • Maghihintay ako na muling makasama ka
  • Malayo ka man mahal lagi mong tandaan
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang
  • Magtiwala ka lang tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
  • 'Di 'yun makakahadlang kahit
  • Malayo ka man mahal lagi mong tandaan
  • 'Di magbabago pag-ibig ko'y sa'yo lamang
  • Magtiwala ka lang tawid dagat man ang pagitan nating dalawa
  • 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Come to join my duet!

22 1 2282

5-16 06:17 iPhone 7 Plus

Tangga lagu hadiah

Total: 0 5

Komentar 1