Huling Gabi(From "I'm Drunk, I Love you")

Pangarap ko ang makalayo

  • Pangarap ko ang makalayo
  • Sa pangarap ko na dinulot mo
  • Ang matulog sa gabi nang 'di alintana ang ginaw
  • At 'di humihiling na ang kapiling ay ikaw
  • Ikaw na rin ang minsang nagbanggit
  • Sa mga katapusang hindi mo maipipilit
  • Kung kinabukasa'y matutunan kong umiwas
  • Matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas
  • Sa mga sakit na dulot ng
  • Iyong 'di paglingon
  • Iyong 'di pagtanaw
  • Iyong 'di pagtugon
  • Kung minsan pa'y
  • Iaalay sa'yo itong gabi
  • At ipinapangako kong
  • Ito na ang huli
  • Hindi na maghahangad
  • Ng 'di mo maibabalik
  • Isang unos ang muling susuungin
  • Isang kasinungalingan ang yayakapin
  • Mamamatay ang ilang kapalit ng
  • Isang pagkakaibigan
  • Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan
  • Ng mga sakit na dulot ng
  • Iyong 'di paglingon
  • Iyong 'di pagtanaw
  • Iyong 'di pagtugon
  • Kung minsan pa'y
  • Iaalay sa'yo itong gabi
  • At ipapanalangin kong
  • Ito na ang huli
  • Hindi na maghahangad
  • Ng 'di mo maibabalik
  • Sa mga sakit na dulot ng
  • Iyong 'di paglingon
  • Iyong 'di pagtanaw
  • Iyong 'di pagtugon
  • Kung minsan pa'y
  • Iaalay sa'yo itong gabi
  • At ipinapangako kong
  • Ito na ang huli
  • 'Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag
  • At itatanggi sa sarili na
  • Ikaw pa ang hangad
  • Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come and listen my KTV show!

28 3 3084

2024-1-9 22:22 TECNO BG6

Quà

Tổng: 0 6

Bình luận 3