Wala Nang Tao Sa Sta Filomena

Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan

  • Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan
  • Anino niya'y tumatawid sa nanunuyong palayan
  • Tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikan
  • At kaluskos ng hangin sa dahon
  • 'Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan
  • Mga kubong pinatatag ng lupa at kawayan
  • Paalam na, paalam na ang awit ng langay-langayan
  • Nguni't walang nakasaksi sa palayo niyang lutang
  • Pagka't wala nang tao sa Sta. Filomena
  • Walang aani sa alay ng lupa
  • Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay
  • Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay
  • Nahihinog ang bunga ng mangga't bayabas
  • Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas
  • Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
  • Iniiwan ang binhing umaasa
  • At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
  • Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan
  • Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang
  • Subali't ang lahat na 'to'y masasayang
  • Pagka’t wala nang tao sa Sta. Filomena
  • Walang aani sa alay ng lupa
  • Ang palay ay nakayuko, tila bang sumusuko
  • Naghahandog ng buhay sa karit at kamao
  • Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayan
  • Nasaan ka at bakit ka nagtatago taumbayan
  • Panahon na, panahon nang balikan ang iniwan
  • Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
  • Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

74 2 1

2020-10-9 20:29 iPad Pro

Quà

Tổng: 0 1

Bình luận 2