Sa Kahapon

Sa kanya kanyang pangarap na nakipaghabulan

  • Sa kanya kanyang pangarap na nakipaghabulan
  • Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
  • Mag-tampisaw sa tag-ulan ng kaligayahan mapunan
  • Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan
  • Anumang dumating na problema dedma
  • Barya lang ang katapat ng tawang abot tenga
  • Di ko namalayang tumakbo 'yung panahon
  • Kung hindi pa ko lilingon sa dating pitaka't lamesa
  • Dati ko'ng mundo palaruang malawak
  • Sa piling ng bawat katotong kasabay ko mangarap
  • Tawidin ang alapaap ng pati buwan makayakap
  • Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab tara
  • Bakas ng kapalaran ko
  • Tangi kong sandata
  • Samahan mo ako lumingon sa kahapon
  • Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
  • Sa mga dati at ngayong nakasama
  • Nagpapasalamat kami sa alaala
  • Ganun padin ang mundo naging makulay lang siya para sa'kin
  • Sa tulong ng kada berso kong inuumaga
  • Ako pa din 'tong kayang makisama makitawa
  • Magpakalango sa nakaraan nating alaala
  • Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan
  • Pagsubok sa piniling kapalaran parte yan
  • Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan
  • Kahit saan para sa dagok makipasan
  • Sa ngayong kami naman mangibabaw o pangibabawan
  • Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
  • Nakaraan pasanin pahirapang ilarawan
  • Dating ingay ng tahanang naging boses ng lansangan
  • Bakas ng kapalaran ko
  • Tangi kong sandata
  • Samahan mo ako lumingon sa kahapon
  • Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
  • Sa mga dati at ngayong nakasama
  • Nagpapasalamat kami sa alaala
  • 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
  • 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
  • 'Wag kang mangaba sa aking pag-alis
  • 'Wag kang mangaba
  • Samahan mo ako lumingon sa kahapon
  • Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
  • Sa mga dati at ngayong nakasama
  • Nagpapasalamat kami sa alaala
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
... ˢᵃᵐᵃʰᵃⁿ ᵐᵒ ᵃᵏᵒⁿᵍ ˡᵘᵐⁱⁿᵍᵒⁿ ˢᵃ ᵏᵃʰᵃᵖᵒⁿ...🤭 ...ˢᵒʳʳʸ ᵖᵒ.ˡᵃˢᵗ ᵏᵒ ⁿᵃ ᵖᵒ. 😁

61 5 2027

2022-2-11 01:44 HUAWEIYAL-L21

Quà

Tổng: 0 24

Bình luận 5