Paglisan

Yumi:

  • Yumi:
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Flict G.:
  • Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
  • Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
  • Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
  • Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat
  • Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
  • Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
  • Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
  • Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari
  • At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap
  • Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
  • Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
  • Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
  • Dahil ba sa sabi sabi at mga bali balita
  • Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
  • Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran
  • Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan
  • Yumi:
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Flict G.:
  • Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob
  • At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
  • Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
  • Katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan
  • Na sana'y mag iingat ka sa lahat ng sandali
  • Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
  • Na maibalik ang dati at makapiling sa twina
  • Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pagasa
  • At hindi talaga tau ang itinakda ng diyos
  • Kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos
  • Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
  • Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran
  • Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
  • Na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo
  • Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito
  • Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko
  • Yumi:
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
00:00
-00:00
View song details
Minahal Kitang Lubos Ng Higit pa sa Buhay ko 🤙🤙😂

107 3 1

2020-8-6 17:21 vivo 1906

Gifts

Total: 0 13

Comments 3