Masdan Mo Ang Kailgiran

Wala ka bang napapansin

  • Wala ka bang napapansin
  • Sa iyong mga kapaligiran
  • Kay dumi na ng hangin
  • Pati na ang mga ilog natin
  • Hindi nga masama ang pag-unlad
  • At malayu-layo na rin ang ating narating
  • Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
  • Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
  • Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
  • Sa langit 'wag na nating paabutin
  • Upang kung tayo'y pumanaw man
  • Sariwang hangin sa langit natin matitikman
  • Mayro'n lang akong hinihiling
  • Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
  • Gitara ko ay aking dadalhin
  • Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
  • Ang mga batang ngayon lang isinilang
  • May mga hangin pa kayang matitikman
  • May mga puno pa kaya silang aakyatin
  • May mga ilog pa kayang lalanguyan
  • Bakit 'di natin pag-isipan
  • Ang nangyayari sa ating kapaligiran
  • Hindi nga masama ang pag-unlad
  • Kung hindi nakakasira ng kalikasan
  • Darating ang panahon mga ibong gala
  • Ay wala nang madadapuan
  • Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
  • Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
  • Lahat ng bagay na narito sa lupa
  • Biyayang galing sa
  • Diyos kahit nu'ng ika'y wala pa
  • Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
  • 'Pagkat 'pag Kanyang binawi
  • Tayo'y mawawala na
  • Mayro'n lang akong hinihiling
  • Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
  • Gitara ko ay aking dadalhin
  • Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

45 6 3745

11-10 15:16 OPPOCPH2251

Quà

Tổng: 20 103

Bình luận 6