Araw At Ulan

Aral mong saway ay araw na gabay

  • Aral mong saway ay araw na gabay
  • Liwanag na taglay kabutihan ang bigay
  • Iyong ebanghelio ay ulang pumupuno
  • Nang kagalakan ko at pag asa ng puso
  • Kinakausap mo ako sa Iyong banal na salita
  • Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa
  • Ama salamat sa pag ibig mo na tunay at wagas
  • Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan
  • Ama laging nariyan ang pagpapala mo na hindi nagwawakas
  • Ito ay inihahatid ng 'yong araw at ulan
  • Nasisikatan ako ng araw mo't nawawasto
  • Itinutuwid mo ang hakbang kong lumiliko
  • Ama binubuhusan mo ako ng 'yong ulan
  • Kaya lungkot at uhaw ng puso ko'y naiibsan
  • Kinakausap mo ako sa Iyong banal na salita
  • Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa
  • Ama salamat sa pag ibig mo na tunay at wagas
  • Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan
  • Ama laging nariyan ang pagpapala mo na hindi nagwawakas
  • Ito ay inihahatid ng 'yong araw at ulan
  • Nahanap ang mabuting landas mo
  • Pagkat ako'y tinawag mo
  • Ito ang dakilang paraan mo
  • Upang mailigtas ang katulad mo
  • Ama salamat sa pag ibig mo na tunay at wagas
  • Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan
  • Ama laging nariyan ang pagpapala mo na hindi nagwawakas
  • Ito ay inihahatid ng 'yong araw at ulan
  • Araw at ulan
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's listen to my solo!

25 1 2689

2021-12-19 15:59 V2061

Tangga lagu hadiah

Total: 0 2

Komentar 1