Limang Ulo

Sa pag bitaw ko ng tula na pandigmaan ang laman

  • Sa pag bitaw ko ng tula na pandigmaan ang laman
  • Para ka lamang bahay kubong dinaanan lang naman
  • Ng pitong buhawi
  • Patay lahat ng pananim
  • Mga letrang na ilagay sa banat ko lahat ay matalim
  • Isa ka ba sa kalabang binababoy kong gayak
  • Sa laro ay parang batang inaatchoy kong taya
  • Di na ako ginaganahan kung kayo lang ang kalaban ko
  • Gusto ko nang tapusin kaso pangwalo pa nga lang to
  • Siobal D ako'y makatang ang sapatos lima nga lang
  • Simple lang kung mag damit kapag nag rap timang nga lang
  • Di kaylangan ng kahit ilang dakot mo ng paggalang
  • Kung isa ka sa takot sa pagtalikod ko saka lang
  • Nagaastang mahusay parang pinagpalang maluklok
  • Sa kataasang sakin para kang nagpala ng bundok
  • Ngayon subukan mung bilangin ang tula kong pinlaka
  • Sa syota mo makikita ang muka ko sa pitaka
  • Nagsigapangan mga tanga nagbabagsakan mga hambog
  • Makita palang nila ako'y nababasagan ng pantog
  • Ng mga bobo at hangal at mga kukupal kupal
  • Pag nasa gitna ng entablado mga uutal utal
  • Hampas lupang aso na may pangmekanikong balat
  • Isang porsyento ng utak ko utak na ninyong lahat
  • At ako ang walang modong sumisira ng bandila
  • Na may dilang matalim na humihiwa ng panghiwa
  • Nagpahinga ang kalaban ko at natulog ng dilat
  • Pag sinalo mu tira ko para kang sumalo ng kidlat
  • Wag mung ipagmamalaki mga liriko mung gawa
  • Halika lumaban nang matulad sa pinirito kong daga
  • Nagsikalasan ng matira nagsunugan ang mga utak
  • Na hndi nakaangat nagsilubugan sa mga burak
  • Di ka magtatagumpay tulad ng nasawing isyonaryo
  • Ako ang nagiisang alamat na ang utak ko ay diksyonaryo
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Pag ginanahan akong patulan ka mag tawag na ng iba
  • Pagkat hindi ka makakahigit kahit ako ay mag isa
  • Pag ako na ang nag umpisa mag isip ng pambaon
  • Saakin para ka lang duwag na naihi sa pantalon
  • Ako si kakin na may dilang nagtawag ng batalyon
  • Alam mo ba ang katapat ko ay hindi lang tatlong milyon
  • Maraming klaseng mga banat at hindi malalaos
  • Tatapakan lang kita ng sapatos kong lacoste
  • At akoy hindi papaltos sa pag sulat ng kataga
  • Kumbaga ako ang pusa ikaw naman ang daga
  • At sa mga nagpumilit heto na ang panapos
  • Pag nakalaban mo ako pare tatawagin mo akong boss
  • At sandalian lang inubos ang kalaban ng repab
  • Kapag bumanat na ako mikropono'y magliliyab
  • At sa mga nagpasiklab kakin lang ang katapat
  • Mag tawag pa ng iba dudurugin ko lahat
  • Hahabulin mga sikat kahit saan ako dumayo
  • Na parang kinasta ka ng labing walong kabayo
  • Sakin hindi ka mananalo kung hindi ka bihasa
  • Pagkat para kang tahanan na binahayan ng daga
  • Kumpara ko ang sayo sakin lumalagablab
  • Kumbaga ang kalaban ko binabalagbag
  • Pag ako na ang humawak ng mikroponong sandata
  • Wag na mag balak sayong na pipintong pagbwelta
  • Simple lang ako bumanat pero boy tagus tagusan
  • Sino man ang kumalaban sakin hoy magagalusan
  • Sakin ay tinagusan mga lalakeng binastos
  • Wala ka nang makakamit kapag ikaw ay pinaltos
  • At istilo na kinalat pare wag na magtaka
  • Pagkat ako ay may dilang lumalatay ng mata
  • Mga kalaban na sa akin ay lamang sa kabobohan
  • Gagawin ko lang lahat silang mangmang sa katotohanan
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang Sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang Sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Joh
  • Walang dahilan para magulat ka
  • Sikat na ako sa Manila
  • Habang ikaw ay nasa gubat pa
  • Sulat pa
  • Hindi mo na ako masusukat
  • Tuloy ka na sige halika tignan ko kung makakasugat ka
  • Kilala mo ba ako
  • Ako c Abaddon
  • Ang laman ng mga sinusulat mo ako pala yon
  • Kaya ngaun na makinig ka na sakin hindi
  • Ko kaylangan ng katulad mo
  • Binabalasubas basura ka lang sakin ang kupad mo
  • Hindi ko kaylangan na ikaw ay aking makasalamuha
  • Nililipad ka na ng hangin kahit wala
  • Na ang paa mo sa lupa
  • Hindi ka na makakasabay kahit na pabagalan at pabilisin ko to
  • Bulok na ang makina mo bumebwelo palang ang mekalismo ko
  • Umaral ka sa kandila kung matalas cno ka
  • Ba para sakin isa kang bayabas
  • Sapul ka parin kahit ba ikaw ay umiwas
  • Kabilang ka na rin sa mga pinilas ko
  • Ng Mga papel sa tulong ng Sindikato de Republika
  • Alam na naming lahat na sa talento ay pulube ka
  • Hindi kami lalaban sa karangalan ng sampu ng aking karibal
  • Hindi matibag ang mga nilapag na parang grupo ng liberal
  • Kahit sabihang mo mang ilegal ang itinuturing kong larangan
  • Interisado ka ng bayaran kapag narinig mo na ang pangalan
  • Ng Makatang Matapang Itinuturing na Batang umani ng respeto
  • At sa balikat koy naiatang
  • Ang pagasang na meron pang mabubuong lakas
  • Na di kayang bigilan kahit embahada ng pinas
  • Pagkat itoy likas mga sulputan at dating
  • Ikaw narin ang magsasabi na merong husay at galing
  • Ang binatang may hawak ng mikropono
  • Umalis ka nga pagkat hindi ka bagay dyan sa trono ko
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Teka lang ano kayang ginagawa tayu tayo ang mga nakatengga
  • Akong bebengka sa mga nagtatakyut ng tenga
  • Nagsabi ng walang kwenta ang mga letrang binigkas
  • Ito ang hampas sa mga mapangahas may dilang luntiang ahas
  • Kumbabangga ka lumaban ka pag ahon ko sa pantalan
  • Mag babagsakan ang mga bugog na balak akong pantayan
  • Parating ang batikan ng banatan para sa mga pekeng palaban
  • Compose na hari ng mga alay gagong ayaw talaban
  • Laos mas matibay mas brutal ako ng doble
  • Ang batas ng militar na parang masong pangadoble
  • Kalagan nyu ako ng kadena palagan nyu ako mga punyeta
  • Ang boses ko ay parang pangkulang sa doseng bala
  • Sa pag hawak ko ng panulat at kahit anong kwaderno
  • Nagaakyatan na sa langit pati diablo sa impyerno
  • Kasing lawak ng disyerto ang imperyo ko at kokote
  • Kasing tibay ng walong maton sa tondo at cavite
  • Para ka lang nangamote sa isang kongretong gubat
  • May labing limang liyon at nakalentong nakasukat
  • Habang kompletong ulat ang lumalabas sa dilang
  • Hindi malubid ng ungas maaangas lang ang bilang
  • Ng ako na ang isinilang may kulog at may kidlat
  • Ako lang ang makatang tumubo na walang ugat
  • Pagkat sa husay ng talata
  • Dinisenyo pangdigma
  • Parang tsunami at milenyo pinaghalo pagtugma
  • Sa pagsalin ng mga bara ng panimulang pag banat
  • Binabatak ko palang nagtatabihan na ang kalat
  • At ako si lirico pang walo sa mga batikan
  • At kahit keylan masarap dahil hindi naging batukan
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
  • Talasan ang mga pandinig sa pandiin ng pandigmaan
  • Palipad hangin mga tayutay
  • Sumalo na gustung tamaan ang kalabang nagtangka isa isang inubos
  • Kami ang sundalong may dilang pinagpala ng walong dyos
00:00
-00:00
查看作品詳情
grabehhhh nakakabuyoy,,, lika join ka dali 🤟🤟🤟🤟

35 5 1

2021-6-28 17:42 vivo 1801

禮物榜

累計: 0 12

評論 5