Sayo

Ang buhok mo'y parang gabing numinipis

  • Ang buhok mo'y parang gabing numinipis
  • Sa pagdating ng madaling araw
  • Na kumukulay sa alapaap
  • Ang ngiti mo'y parang isang tala
  • Na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita
  • Kung kailan wala na
  • Kailan kaya mahahalata
  • Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
  • Kahit mawala ka pa
  • Hinding hindi mawawala
  • Ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo
  • Ang buhay mo'y parang kandila na pumapawi
  • Sa kadiliman ng gabing puno ng dalita
  • At ng lagim
  • Bawat segundo ay natutunaw
  • Tumutulo parang luha
  • Humuhugis na parang mga puting paru paro
  • Kailan kaya mahahalata
  • Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
  • Kahit mawala ka pa
  • Hinding hindi mawawala
  • Ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Ni isang beses ay hindi pa 'ko
  • Nakakakain ng paru paro
  • Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno
  • Saka ko naalala na noon
  • Nang una kong masabi ang pangalan mo
  • Nakalunok ako kaya siguro
  • Kailan kaya mahahalata
  • Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
  • Kahit mawala ka pa
  • Hinding hindi mawawala
  • Ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
  • Sa'yong sa'yo
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
sadboi afternoons

30 1 3887

2022-7-5 19:00 iPhone XR

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 505

ความเห็น 1