Maligayang Pasko, Lolo

Mano po lolo at sa inyo kami ay namamasko

  • Mano po lolo at sa inyo kami ay namamasko
  • Kasama ko po dito ang lahat ng inyong apo
  • At kami naman lolo'y hindi delikado
  • Tatanggapin namin kahit ano
  • Walang wala ang lolo pasensiya na kayo
  • Mabuti pa kayo at maraming aginaldo
  • Akin ring iniisip na ngayon ay mamasko
  • Upang magkapera ako na katulad ninyo
  • Wag mag alala lolo kahit kami walang pamasko
  • Ang ninong naman nami'y may bigay na aginaldo
  • Maligaya na kaming makita ka lolo
  • At sa inyong kamay ay magmano
  • Sa inyong kasuotan naiinggit ako
  • Bago ang sapatos at ang magandang bestido
  • Damit ko'y lumang luma wala akong bago
  • Tanging masasabing bago ang aking pustiso
  • Kung kayo lolo'y walang wala sa araw nitong pasko
  • Naririto ang aming aginaldo po sa inyo
  • Sa tatay at sa nanay ay galing po ito
  • Kaya kayo ay mayroon ding bago
  • Sa tatay at sa nanay at sa mga apo
  • Maraming salamat sa bigay na aginaldo
  • Maligaya ang lolo sa kabutihan niyo
  • Pagpalain kayong lahat nitong sto niño
  • Kaming mga apo niyo akong inyong lolo
  • Ay magsama sama sa simbahan ay tumungo
  • Idalangin natin na sa pagsapit ng pasko
  • Maging maligayang lahat itong mga tao
  • At sa inyo namang lahat
  • Maligayang pasko
  • At sa inyong lahat
  • Maligayang pasko
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

49 8 1

2022-12-4 19:53 realmeRMX2030

Quà

Tổng: 3 8

Bình luận 8