Bintana

Sa pagpikit ko ng mga mata handa ng managinip

  • Sa pagpikit ko ng mga mata handa ng managinip
  • Kasabay sa paglipad ng aking diwa ang pagihip
  • Ng hangin patungo sa lugar na kung saan maari
  • Kang hawakan at yakapin 'kaw ang reyna ako ang hari
  • Ng kahariaan na sa pagdilat ko'y nawawala
  • Pilitin mang pigilin 'to wala akong nagagawa
  • Upang ang 'sang katulad mo na sa bintana sinisilip
  • Makasama makausap ng hindi na pinipilit
  • Dahil sa alam ko na mundo natin magkaiba
  • Sinusundo kana ng boyfriend mong ang kotse ay lima
  • At nagiba ang mundo ko mula nang di sinasadya
  • Magkabanggaan at nahulog kwintas mong pinasadya
  • Pa at kabibigay pa lamang ng boyfriend mong mayaman
  • Ngunit sa 'yong mata ay may lungkot na di malaman
  • Na pilit tinatago ng iyong mga ngiti
  • Sana hindi lang sa bintana makikita kang muli
  • Hirap at sakit ay di alintana
  • Masilayan ka lang dun sa bintana
  • Lahat ay gagawin upang iyong malaman
  • Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan
  • Tila yata kapalaran na ang sa 'kin tumutulong
  • Nang hindi sinasadyang muli tayong magkasalubong
  • At labis kong kinagulat ng ako ay kausapin
  • Tila ang lahat ng tao'y nakatingin sa akin
  • Tayo'y naging magkaibigan sumbungan at sandalan
  • Ngunit lahat pala ng mga bagay may hangganan
  • Nang ikaw ay magpaalam na d'on na maninirahan
  • Kung saan ang pagbalik mo ay malabo nang asahan
  • Gusto man kitang pigilan wala 'kong nagawa
  • Tila ang lahat ng sa 'kin ay biglaang nawala
  • At mula n'on sayo ay di na nagkaroon ng balita
  • Sana'y muli kang makita kahit man lang sa bintana
  • Mula nang nakilala ka
  • Hindi kana naalis sa aking isipan
  • Sana'y malaman mo ang tunay
  • Na nadarama ng puso ko para sa 'yo
  • Hirap at sakit ay di alintana
  • Masilayan ka lang dun sa bintana
  • Lahat ay gagawin upang iyong malaman
  • Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan
  • Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal
  • Lahat ay gagawin upang iyong malaman
  • Nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito
  • Muling umiikot ang aking mundo
  • Sa puso kong ito ikaw ang kailangan
  • Ang pagibig mo dahil minamahal kita
  • Hirap at sakit ay di alintana
  • Masilayan ka lang dun sa bintana
  • Lahat ay gagawin upang iyong malaman
  • Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan
  • Hirap at sakit ay di alintana
  • Masilayan ka lang dun sa bintana
  • Lahat ay gagawin upang iyong malaman
  • Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan
00:00
-00:00
View song details
Ako ang reyna ikaw ang hari.assuming lang😊 lets duet

40 2 2096

2022-1-11 10:34 realmeRMX2020

Gifts

Total: 1 3

Comments 2