Inay

Sa mahinahon paalam ng araw

  • Sa mahinahon paalam ng araw
  • Sa pag ihip ng hanging kahaponan
  • Balabal ko'y init ng 'yong pag ibig
  • Sa dapit hapong kay lamig
  • Mga bituin kay agang magsigising
  • Umaandap mapaglaro man din
  • Iyong ngiti hatid nila sa akin
  • Sa diwa ko't panalangin
  • Puso ko'y pahimlayin inay
  • Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
  • Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong anak
  • Ay irog kong inay
  • Sa palad niyo itago aking palad
  • Aking bakas sa inyong bakas ilapat
  • At iuwi sa tahanan kong dapat
  • Sa piling ng inyong anak
  • Puso ko'y pahimlayin inay
  • Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
  • Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong anak
  • Ay irog kong inay
  • Pusoy ko'y pahimlayin inay
  • Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
  • Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong anak
  • Ay irog kong
  • O ina kong mahal
  • Ay irog kong
  • Inay
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

37 12 2655

2023-3-17 21:59 vivo 1716

Quà

Tổng: 0 213

Bình luận 12