Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko'Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman

Pasko na naman

  • Pasko na naman
  • Pasko na naman
  • Kaya kami ngayo'y naririto
  • Upang kayong lahat ay aming handugan
  • Ng iba't ibang himig na pamasko
  • Ang Pasko ay sumapit
  • Tayo ay mangagsi awit
  • Ng magagandang himig
  • Dahil sa ang Diyos ay pag ibig
  • Nang si Kristo ay isilang
  • May tatlong haring nagsidalaw
  • At ang bawa't isa ay nagsipaghandog
  • Ng tanging alay
  • Bagong Taon ay magbagong buhay
  • Nang lumigaya ang ating bayan
  • Tayo'y magsikap upang makamtan
  • Natin ang kasaganaan
  • Tayo'y mangagsi awit
  • Habang ang mundo'y tahimik
  • Ang araw ay sumapit
  • Ng sanggol na dulot ng langit
  • Tayo ay magmahalan
  • Ating sundin ang gintong aral
  • At magbuhat ngayon
  • Kahit hindi Pasko ay magbigayan
  • Sa maybahay ang aming bati
  • Merry Christmas na maluwalhati
  • Ang pag ibig pag siyang naghari
  • Araw araw ay magiging Pasko lagi
  • Ang sanhi po ng pagparito
  • Hihingi po ng aginaldo
  • Kung sakali't kami'y perhuwisyo
  • Pasensya na kayo't kami'y namamasko
  • Ang Pasko ay sumapit na naman
  • Kaya tayo ay dapat na magdiwang
  • 'Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang
  • Ni Hesus na 'di natin malilimutan
  • Halina tayo ay manalangin
  • Ng tayong lahat ay kanyang pagpalain
  • Ang Pasko ay ating pasayahin
  • Sa pagmamahalan natin
  • Maligayang Pasko sa bawat tahanan
  • Ang dalangin namin sana ay makamtan
  • Masaganang buhay sa taong darating
  • Ang maging palad sana natin
  • Dinggin lamang ang dalangin
  • Darating ang hangarin
  • Sama sama na awitin
  • Ang isang Ama Namin
  • May gayak ang lahat ng tahanan
  • Masdan n'yo at nagpapaligsahan
  • May parol at ilaw bawa't bintana
  • May sadyang naiiba ang ibang kulay
  • Kay ganda ang ayos ng simbahan
  • Ang lahat ay inaanyayahan
  • Nang dahil sa pagsilang
  • Sa sanggol na siyang maghahari
  • Ng panghabang panahon
  • Ang pasko'y araw ng bigayan
  • Ang lahat ay nagmamahalan
  • Tuwing pasko ay lagi nang ganyan
  • May sigla may galak ang bayan
  • Maligaya maligayang
  • Pasko kayo'y bigyan
  • Masagana masaganang
  • Bagong tao'y kamtan
  • Ipagdiwang ipagdiwang
  • Araw ng Maykapal
  • Upang manatili sa atin ang kapalaran
  • At mabuhay na lagi sa kapayapaan
  • Mano po ninong mano po ninang
  • Narito kami ngayo'y
  • Humahalik sa inyong kamay
  • Salamat ninong salamat ninang
  • Sa aginaldo po ninyong ibibigay
  • Pasko na naman
  • Pasko na naman
  • Kaya kami ngayo'y naririto
  • Upang kayong lahat ay aming handogan
  • Ng iba't ibang himig na pamasko
  • Maligaya maligaya
  • Maligayang Pasko sa inyong lahat
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's listen to my solo!

19 2 6985

2021-10-28 22:07 vivo 1906

Tangga lagu hadiah

Total: 0 4

Komentar 2