Kanlungan

Pana panahon ang pagkakataon

  • Pana panahon ang pagkakataon
  • Maibabalik ba ang kahapon
  • Natatandaan mo pa ba
  • Nang tayong dal'wa ay unang nagkita
  • Panahon ng kamusmusan
  • Sa piling ng mga bulaklak at halaman
  • Doon tayo nagsimulang
  • Mangarap at tumula
  • Natatandaan mo pa ba
  • Inukit kong puso sa punong mangga
  • At ang inalay kong gumamela
  • Magkahawak kamay sa dalampasigan
  • Malayang tulad ng mga ibon
  • Ang gunita ng ating kahapon
  • Ang mga puno't halaman
  • Ay kabiyak ng ating gunita
  • Sa paglipas ng panahon bakit
  • Kailangan ding lumisan
  • Pana panahon ang pagkakataon
  • Maibabalik ba ang kahapon
  • Ngayon ikaw ay nagbalik
  • At tulad ko rin ang iyong pananabik
  • Makita ang dating kanlungan
  • Tahanan ng ating tula at pangarap
  • Ngayon ay naglaho na
  • Saan hahanapin pa
  • Lumilipas ang panahon
  • Kabiyak ng ating gunita
  • Ang mga puno't halaman
  • Bakit kailangang lumisan
  • Pana panahon ang pagkakataon
  • Maibabalik ba ang kahapon
  • Lumilipas ang panahon
  • Kabiyak ng ating gunita
  • Ang mga puno't halaman
  • Bakit kailangang lumisan
  • Pana panahon ang pagkakataon
  • Maibabalik ba ang kahapon
00:00
-00:00
View song details
One of my favorite song in 1990's na miss ko talaga ang kapanahonan ko nuon, ang sarap talaga miging bata wala kang inisip na problema.😅😊

410 53 3715

2021-5-20 19:03 realmeRMX2040

Gifts

Total: 0 35

Comments 53