Bolang Kristal

Bolang kristal ipakita mo sa akin ang

  • Bolang kristal ipakita mo sa akin ang
  • Kapalaran ni dante kung sakali lang
  • Na malulong sa pag inom ng alak
  • Di alam na papunta sa patibong ang tapak
  • Mapapahamak walang paki
  • Inuman na agad ng hapon hanggang gabi
  • Hanggang abutin ng umaga nakatulala na
  • Walang maalala parang dumaan sa
  • Gubat ang itsura hininga amoy suka
  • Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na
  • Puro alak lang ang madalas kasama
  • Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama
  • Lasing na lasing nakaaway ang nobya
  • Sa gulong ng kapalaran ay nabokya
  • Naiwan nang wala man lang na halik at yakap
  • Di alam ang gagawin kundi balik sa alak
  • Hanggang sa isang gabi natagpuan
  • Galing sa inuman at naglalakad sa ulan
  • Nakapikit at walang imik pauwi na
  • Nang bigla na lamang nakarinig ng busina
  • May kotse na biglang pabangga na sa kanya
  • Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya
  • Hindi na nagawang umiwas sapagkat
  • Namalayan lang ni dante nung huli na ang lahat
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
  • Minsan sarili din ang di nadidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman kailangan mo sa bolang kristal
  • Bolang kristal ipakita mo sa akin ang
  • Kapalaran ni dante kung sakali lang
  • Na malulong at maakit sa droga
  • Na ipinagbabawal na adik ng sobra
  • Nag simula sa alok ng kaibigan
  • Napatikim at nanng sabog nakangiti lang
  • Nakahiligan dating pangangapa lang
  • Ang laging pang aliw naging pangangailangan
  • Ano pa nga ba wala nang namimilit
  • Kailangan ang tama para sa tamang pag iisip
  • Para matahimik para makahirit
  • Parang nabubuhay sa magandang panaginip
  • Hanggang sa naging bula ang pera
  • Nawala na lang kaya nagsimula magbenta
  • Naging tagatulak ng mga tampalasan
  • Desisyon na wala ng atrasan
  • Isang gabi nang magkabilangan
  • Ng ka tropa nya sa droga na walang iwanan
  • Nakatulog at paggising ay naisahan
  • Wala ng droga at pera at ang napagbintangan
  • Ay sya lang nalaman at nagalit ang amo
  • Sapagkat walang natira na kahit na magkano
  • Di masukat ang bigat ng pighating nadama
  • Nasisante si dante at binaril sa panga
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
  • Minsan sarili din ang di nadidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman kailangan mo sa bolang kristal
  • Bolang kristal ipakita mo sa akin ang
  • Kapalaran ni dante kung sakali lang
  • Na malulong ng masyado sa sugal
  • Bakit nga naman makikipagtalo pa tutal
  • Naglalaro at kumikita imposible ba
  • Dito mabilis ang kita tipong triple pa
  • Larong baraha sabong jueteng at karera
  • Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera
  • Isang araw pumasok mag isa sa casino
  • Tinaya ang natitirang limang daang piso
  • Paraiso nang naging isang daang libo
  • Mula noon halos nanirahan na dito
  • Nang biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi
  • Ubos ang salapi at hindi na makabawi
  • Pero sabi sabi na madali tong bawian
  • Bumawi sa casino kasinungalingan
  • Umutang pa ng pang gasta sa maton
  • Puro pusta panay pa talo hanggang sa mabaon
  • Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi
  • Isang gabi nasa bubong ng mataas na gusali
  • Madalas ang ugali palaban kapag gipit
  • Pero sa ngayon naka tanga at nakapikit
  • Kawawang dante tapak sa gilid sabay hakbang
  • Sa dami ng problema nagpakamatay na lang
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
  • Minsan sarili din ang di nadidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman kailangan mo sa bolang kristal
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
  • Minsan sarili din ang di nadidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman kailangan mo sa bolang kristal
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
If u can rap this please...

52 1 1

2020-10-1 00:05 realmeRMX2030

Tangga lagu hadiah

Total: 0 4

Komentar 1