Hindi Sapat

Tubig na iinumin mo na ay

  • Tubig na iinumin mo na ay
  • Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
  • Saya mong mahaba na nagkagutay gutay
  • Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
  • Nanay mami ina
  • Mama inang mamang ima
  • Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay
  • Nanay mami ina
  • Mama inang mamang ima
  • Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay
  • Siyam na buwan sa'yong sinapupunan dinala
  • Hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka
  • Mapagbigay hindi iniisip ang sarili
  • At kay itay ikaw ang palaging humahalili
  • Pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling
  • Pag kinukuha ko ang buhat n'yo agad umiiling
  • Kaya ko na ito anak baka mahuli ka sa klase
  • Tinapay na pinalamanan ng baon palagi
  • Madaling araw kung gumising para lang makapagluto
  • Maghapong maglalako para sa maliit natubo
  • Bayad naming sa ilaw tubig kuryente
  • Kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke
  • Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na
  • Pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa
  • Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya
  • Pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina
  • Tubig na iinumin mo na ay
  • Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
  • Saya mong mahaba na nagkagutay gutay
  • Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
  • Nanay mami ina
  • Mama inang mamang ima
  • Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay
  • Nanay mami ina
  • Mama inang mamang ima
  • Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay
  • Puyat pagod sinat hagod
  • Saing hain hugas kayod
  • Sahod may kapos hindi ka nakakalimot
  • Na sindihan ang posporo
  • Kandilang tinusok sa ibabaw ng mamon
  • Na balot ng matamis regalo mo taon taon
  • Tila napakabilis isang babae na 'di marunong maningil ng buwis
  • Minsa'y nakakainis minamani mo ang tiis
  • Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit
  • Mano sa kanang kamay sa noo ididikit
  • Kahit gabutil na buhangin pipiliting ibalik
  • Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit
  • Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na
  • Pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa
  • Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya
  • Pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina
  • Tubig na iinumin mo na ay
  • Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
  • Saya mong mahaba na nagkagutay gutay
  • Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
  • Nanay mami ina
  • Mama inang mamang ima
  • Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay
  • Nanay mami ina
  • Mama inang mamang ima
  • Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay
  • Tubig na iinumin mo na ay
  • Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
  • Saya mong mahaba na nagkagutay gutay
  • Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
00:00
-00:00
View song details
Help me complete the song for our mothers...

41 3 1

2021-8-11 22:51 HUAWEIPAR-LX9

Gifts

Total: 0 11

Comments 3