Katulad Ng Iba

Hindi lahat ng mahina nananatiling mahina

  • Hindi lahat ng mahina nananatiling mahina
  • Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
  • Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
  • Mata mo'y iyong buksan bangon ka't makialam
  • Paggising sa umaga parang ayaw kong bangon
  • Ayoko nang maligo tapos na ko kahapon
  • Ubusin ang almusal binabagalan lumamon
  • Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon
  • Palaging walang kibo tahimik sa gabi
  • Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi
  • Bilisan mo nang kilos baka ka mahuli
  • Anak bakit ka tulala Lumalamig na ang kape
  • Di ko alam ang gagawin ayoko ng pumasok
  • Hindi naman mabaho bakit nakakasulasok
  • Merong mga nangyayari satin sa paaralan
  • Hindi bukas makalawa ngayon dapat solusyonan
  • Hindi lahat ng mahina nananatiling mahina
  • Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
  • Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
  • Mata mo'y iyong buksan bangon ka't makialam
  • Ano'ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha
  • Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura
  • Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa
  • Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba
  • Unipormeng maputi papahiran ng dumi
  • Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi
  • Minsan ako'y napapa-isip di ko maisang tabi
  • Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni
  • Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan
  • Nawa'y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan
  • Dahil ang nagmamataas kahit na may dahilan
  • Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan
  • Ang ibinababa ang siyang tinataas
  • Ang nagmamataas ang siyang nadudulas
  • Ang ibinababa ang siyang tinataas
  • Ang nagmamataas ang siyang nadudulas
  • Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
  • Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
  • Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
  • Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
  • Hindi lahat ng mahina nananatiling mahina
  • Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
  • Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
  • Mata mo'y iyong buksan bangon ka't makialam
  • Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
  • Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
  • Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
  • Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
00:00
-00:00
View song details
LOOKING FOR DUET PARTNER👍👍👍👋👋👋👋

45 6 1

6-11 21:02 vivo 1820

Gifts

Total: 1 24

Comments 6