Ginto

No shy maw

  • No shy maw
  • Dalawampung taon panahon na yata to ng pagtitino
  • Nais ko lang ibahagi ang mga bibihira ko lang makibo
  • Mga alaalang ginto sa anuman ang naging kabanata nito
  • Ang pagibig sa bawat ugnayan ang kayamanan na siyang naitatabi ko
  • Simula sa babaeng nagsabi sa akin na dapat ay manindigan ako
  • Katuwiran niyang wag mong papamarisan ang pang iiwan ng ama mo
  • Maraming salamat sayo paumanhin na rin kung napaaga ako
  • Eto takot dala ko ang pangaral mo karga ang mahal mong apo
  • Wala mang haligi lubos ang tiyaga mo sa akin
  • Sa pag halili nyo na parating nariyan lang maging sa mga tiyahin
  • Sa lola at nobya kong nagtiis saking
  • Perwisyo kung susumahin ay kasing dami rin
  • Ng sakripisyo niyong ang pasaway nato'y mas unawain
  • Mga lumaking kasabay pinsang buong naghiwa-hiwalay
  • Sa ngayong naghahagilap sa mundong magulo kung anong ikatitiwasay
  • Ngunit ang nasa isip ko ay marating man ang hindi akalain
  • Sa paglalakbay nasa lilingunin parin ang magagandang tanawin
  • Mga kababatang kasa-kasama at mga nakalaro kong kapwa pikon
  • Maging sa mga kakilala ko sa paggawa ng mga maling desisyon
  • Sa una kong subok mga nakitawa at kakuntsabang naging saksi mo
  • Paubo-ubo pa ko sa unang buga at pagsusuka ko sa unang inom
  • Kapuyatan laging kunsimisyon sa mga tanod
  • Mga kaklaseng kasabay kong umuwi pag tumatawid dun sa bakod
  • Mga katrabahong kautangan at kapangakuan tuwing sahod
  • Silang mga kasangga kung sa kaokohan nagpapakapalan ng apog
  • Mga kasindihan kong magdamo kabilang na ang ilang
  • Di tumino na sa dating halaman lang nung nalasahan
  • Na ang kemikal di na nagawa pang huminto
  • Mga alak nyo man ay aking nabigo naway ipagpaumanhin ninyo
  • Sa halip tanawin nyo na pagkasagip
  • Ang naging kapalit ng pag tanggi ko
  • At sa ngayon kamustahan nalang nakabuti man o mas nakulong
  • Tanguhan nalang sa mga pagkakataong sa daan ay magkakasalubong
  • Dala ko parin ang naranasan ko non marating man ang di akalain
  • Bukod sa destinasyon ay nasa paglingon parin ang magandang tanawin
  • Mga alaalang nasa litrato o mga imahe mo nasa isip
  • Baliktanaw kong tinatrato bilang mga buhay nang panaginip
  • Na kadalasan kong sinisilip sa mga oras na matahimik
  • Tanging nananatili kong baon sa pabago bagong paligid
  • Marating man ang kaibuturan ng mga pangarap mong kinasasabikan
  • Wag mong kakalimutan lahat ng nasa yong pinagmulang di mapapalitan
  • Dahil ang iyong matututunan kung sakaling dumating ka sa kasawian
  • Wala ka mang mapatunguhan ay mayroon ka naman mababalikan
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Unang Ambag #RapitUp

274 33 1

2021-4-28 11:51 红米6A

Tangga lagu hadiah

Total: 3 160

Komentar 33