Upuan

Woah ohh ohh woah

  • Woah ohh ohh woah
  • Kayo po na naka upo
  • Subukan nyo namang tumayo
  • At baka matanaw at baka matanaw ninyo
  • Ang tunay na kalagayan ko
  • Na na na na na
  • Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
  • Malaking bahay at malawak na bakuran
  • Mataas na pader pinapaligiran
  • At naka pilang mga mamahaling sasakyan
  • Mga bantay na laging bulong ng bulong
  • Wala namang kasal pero marami ang naka barong
  • Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
  • Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
  • At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
  • At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
  • Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
  • Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
  • Ang tao na nagmamay ari ng isang upuan
  • Na pag may pagkakatao'y pinag aagawan
  • Kaya naman hindi niya pinakakawalan
  • Kung makikita ko lamang siya ay aking hahalikan
  • Kayo po na naka upo
  • Subukan nyo namang tumayo
  • At baka matanaw at baka matanaw na nyo
  • Ang tunay na kalagayan ko
  • Mawalang galang na po
  • Sa taong naka upo
  • Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
  • Ang ding ding ng bahay namin ay pinagtagpi tagping yero
  • Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
  • Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
  • Pinakulong tubig sa lumang takuring uling uling
  • Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
  • Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
  • Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
  • Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
  • Pero kulang na kulang parin
  • Ulam na tuyo't asin
  • Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
  • Di ko alam kung talagang maraming harang
  • O mataas lang ang bakod
  • O nagbubulag bulagan lamang po kayo
  • Kahit sa dami ng pera niyo
  • Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
  • Kaya
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

24 6 1745

2023-12-17 18:53 OPPOCPH2083

Gifts

Total: 0 5

Comments 6