Bibingka

Simbang gabi na naman

  • Simbang gabi na naman
  • Tayo gising na
  • Patulog pa lang ang buwan
  • Ang simoy ng hangin
  • Dahan dahan na humahaplos
  • Sa mukha ng bawat tao
  • Bumabagsak bagsak pa ang mata
  • Dahan dahang kumislap
  • Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
  • Kung sa'n magkasama tayong
  • Nagdasal at nakinig sa Misa de Gallo
  • Pagdating ng Ama Namin
  • Ang oras huminto
  • Nang magkahawak ang ating mga kamay
  • Umawit mga ulap at sabay
  • Nagsiawit ang mga anghel sa langit
  • At nang unang gabi ng pasko'y sumapit
  • Kay ganda ng harana ng tinig
  • Na sumasabay sa ihip ng hangin
  • Ang sabi nila
  • Ang sabi nila
  • Natapos din ang siyam na araw ng simbang gabi
  • Ang sabi ko sa sarili
  • Baka ito na ang huli
  • Pero mula noong unang Ama Namin na
  • Ang iyong kamay ay hinawakan
  • 'Di mo na binitawan
  • Nagsiawit ang mga anghel sa langit
  • At nang unang gabi ng pasko'y sumapit
  • Kay ganda ng harana ng tinig
  • Na sumasabay sa ihip ng hangin
  • Ang sabi nila
  • Ang sabi nila
  • Ang sabi nila
  • Ang sabi nila
  • Bilhan mo na siya ng bibingka
  • Dahil ikaw na ang aking tadhana
  • Oh bilhan mo na siya ng bibingka
  • Dahil ikaw na ang aking tadhana
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Let's listen to my solo!

29 8 2683

12-24 12:28 vivo 1902

Carta hadiah

Jumlah: 0 1

Komen 8