Sirena

Ako'y isang sirena

  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Simula pa nang bata pa ako
  • Halata mo na kapag naglalaro
  • Kaya parang lahat ay nalilito
  • Magaling sa chinese garter at piko
  • Mga labi ko'y pulang pula
  • Sa bubble gum na sinapa
  • Palakad lakad sa harapan ng salamin
  • Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila
  • Habang kumekembot ang bewang
  • Mga hikaw na gumegewang
  • Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
  • Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
  • Na galing sa aking ama
  • Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
  • Laging nalalatayan
  • Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
  • Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
  • Ang puso kong mapagmahal
  • Parang pilikmatang kulot
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Hanggang sa naging binata na ako
  • Teka muna mali dalaga na pala 'to
  • Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
  • Ano bang mga problema nyo
  • Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
  • Sa dapat makita ng inyong mata
  • Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
  • Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
  • Kahit kinalyo na sa tapang kasi ganun na lamang
  • Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
  • Tama na naman itay di na po ako pasaway
  • 'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
  • Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
  • Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
  • Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
  • Ang inaabot ng ganda kong pang ilalim ng dagat
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa'kin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Lumipas ang mga taon nangagsipag asawa
  • Aking mga kapatid lahat sila'y sumama
  • Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
  • Kakain na po itay nakahanda na'ng lamesita
  • Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
  • Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
  • Kaya sa iyong kaarawan Susubukan kong palitan
  • Ang lungkot na nadarama wag na po nating balikan
  • Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka cancer
  • Kasi dahil ang tagapag alaga mo'y naka duster
  • Isang gabi ako'y iyong tinawag lumapit
  • Ako sa'yong tabi ika'y tumangan kumapit
  • Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
  • Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
  • 'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
  • Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga
  • Sa'kin kayo ay bibilib
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila
  • Bandera ko'y di tutumba
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
come to my duet join na kayo mga guys ❤❤❤

33 9 3535

2021-12-22 22:21 vivo 1906

Quà

Tổng: 0 4

Bình luận 9