Pedrong Pako

Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan

  • Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan
  • Pinulot niya't bakasakaling pakinabangan
  • At ang kinakalawang na pakong nabubulok
  • Sa bago niyang bahay ay duon ipinukpok
  • Isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada
  • Kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada
  • Duo'y may nakaiwan ng lumang antipara
  • Kanyang isinuot sa malinaw niyang mata
  • Bagong bahay lumang pako
  • Dating gimik na inibang anyo
  • Bagong bote lumang toyo
  • Ang laging sawsawan ni Pedro
  • Gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga
  • Dahil sa antipara ang poste di nakita
  • Pasahero'y huli na sa biyahe't nabukulan
  • Di pa nakarating sa dapat na puntahan
  • Si Pedro'y may kilalang batikang pulitiko
  • Sa bawat halalan ay laging kandidato
  • Nabulag na si Pedro napako pa ang tuktok
  • Pulitikong bulok sa gobyerno iniluklok
  • Bagong bahay lumang pako
  • Dating gimik na inibang anyo
  • Bagong bote lumang toyo
  • Ang laging sawsawan ni Pedro
  • Nang dahil sa pako bahay ni Pedro'y bumagsak
  • Sa bulkan bagyo baha't lindol tuluyang nawarak
  • Giba na ang dingding sahig haligi't bubungan
  • Mabuti pa kaya
  • Ano nga kaya
  • Mabuti pa kaya
  • Mag bagong bahay na lang
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Come to join my duet!

28 3 1

2021-4-25 12:31 MyPhonemyXI1

Tangga lagu hadiah

Total: 0 4

Komentar 3