Ikaw At Linggo

Gumigising sa 'yong ganda tuwing linggo ng umaga

  • Gumigising sa 'yong ganda tuwing linggo ng umaga
  • Almusal ko'y pananatili sa higpit ng iyong mga bisig
  • Sa ilalim ng isang kumot ikaw ang aking pahinga
  • Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon
  • Ay 'di hihigit sa ligaya ng linggo
  • Dahil sa araw na ito nandito ka sa piling ko
  • Hinding-hindi lilisan umaraw man o bumagyo
  • Sa araw na ito sa langit tayo'y sabay nangako
  • Oras buwan at taon pipiliin ko'y ikaw at linggo
  • Bubuksan ang lumang radyo mananalangin ang APO
  • May di masabi si ric segretto tawad hihingin ni rico puno
  • Pan-linggong mga awiting 'di kukupas gaya ng pag-ibig sa'yo
  • Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon
  • Ay 'di hihigit sa ligaya ng linggo
  • Dahil sa araw na ito nandito ka sa piling ko
  • Hinding-hindi lilisan umaraw man o bumagyo
  • Sa araw na ito sa langit tayo'y sabay nangako
  • Oras buwan at taon pipiliin ko'y ikaw at linggo
  • Isang linggo sa buwan ng hunyo
  • Sa loob nitong puting kwarto
  • Sa tulog mong kay himbing
  • Ika'y 'di na nagising
  • Sa araw ng Linggo ako pala'y iiwan mo
  • Sa iyong dinaramdam tuluyan kang sumuko
  • Sa araw ng linggo sa langit na ang iyong tungo
  • Oras buwan at taon ito na ang huli nating linggo
  • Ikaw at linggo ikaw at linggo
  • Mananatili ka sa aking puso
  • Ikaw at linggo ikaw at linggo
  • Sa kahuli-hulihang paghinga ikaw pa rin ang pahinga
  • Isasara na ang lumang radyo mananalangi't magsusumamo
  • Sa tulong na 'yong hiningi patawad kung hindi ko nadinig
  • Magigising sa 'yong alaala tuwing linggo ng umaga
  • Sa ilalim ng ating kumot masasanay ring mag-isa
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Ikaw at linggo

289 4 3001

10-31 16:39 iPhone 14 Plus

Quà

Tổng: 20 150

Bình luận 4