Bulag, Pipi at Bingi

Sa bawat yugto ng buhay may wasto at may mali

  • Sa bawat yugto ng buhay may wasto at may mali
  • Sa bawat nilalang ay may bulag may pipi at may bingi
  • Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan
  • Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
  • H'wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan
  • Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • Ibigin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin
  • Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
  • Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan
  • Pipi ka man nang isinilang dakila ka sa sinuman
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba'y mahalaga
  • Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig
  • Mapalad ka o kaibigan napakaingay ng mundo
  • Sa isang binging katulad mo walang daing walang gulo
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

22 3 2391

7-2 10:57 iPhone 6 Plus

Gifts

Total: 0 8

Comments 3