Ginawan ko Siya Ng Balsa

Kung tatanungin ako kung paano siya nawala

  • Kung tatanungin ako kung paano siya nawala
  • Sasabihin kong isipin mo ang
  • Unti unting pagkupas ng isang kanta
  • Nagsimula ito isang gabi
  • Napansin kong masyado siyang tahimik
  • Kaya pinatay ko ang radyo't siniguradong naririnig niya 'ko
  • At kumupas ang sarili kong boses sa kanya kawalang imik
  • Bihira ang mga awit na biglang nagtatapos sa tuldok
  • Na biglang pumipreno mula sa kanyang harurot
  • Sa birit pagkatapos ay biglang mawawala
  • Noong lumipas ang isang buong araw
  • Na wala akong naririnig mula sa kanya
  • Hininaan ng DJ sa radyo ang boses kong bigay na bigay pa
  • Ring binibirit ang koro para magbigay daan sa bagong kanta
  • Walang pwedeng magsabing hindi ko to nilaban
  • Ang pagpapadala ng mga mensaheng paalala na andiyan kapa
  • Sa isang taong hindi sumasagot
  • Ay parang pagsigaw ng saklolo sa laot sa gitna ng pagkalunod
  • Ni hindi ko alam kung nandoon pa ba siya sa kanyang pampang
  • Minsan nagpunta kami sa
  • Tabing dagat kasama ng ilan kong kaibigan
  • At sinugod niya't dagliang niyakap ang alon
  • Na para bang nobyong kay
  • Tagal na nalayo sa kanyang minamahal
  • Pagkagat ng dilim
  • Naginuman kami't tinanong
  • Ko siya kung anong gusto niyang maging
  • Siguro sa kalasangin kaya't
  • Sinabi niyang dagat
  • Nais ko sanang sabihing ako rin
  • Nais ko sanang sabihin
  • Na gusto kong madama niya
  • Ang aking alat sa kanyang dila
  • Gusto kong ikumot sa kanya itong lamig
  • Gusto kong salubungin niya
  • Ako ng may pagsuko
  • Gusto kong languyin niya
  • Ako at hindi ko siya lulunurin
  • Hindi ko siya kayang sisihin
  • Di ko maaatim na siya'y isumpa
  • Kahit nung umagang yun
  • Na inalay ko ang pilas
  • Kong mga bahagi sa kanya
  • Na parang mga sigay na pinulot
  • Sa dalampasigan
  • Nakakuha sa wakas ng sagot
  • Walang nabuong kasunduan
  • Hindi nabigyang pangalan ang mga tingin
  • Isinauli ko ang sarili ko sa mga alon
  • Ginawan ko siya ng balsa
  • Isinulat ko sa buhangin ang isang panalangin
  • Aking maglalayag
  • Ako ang katas ng niyog
  • Sa kanyang tubig tabang
  • Ako ang pinong buhangin
  • Sa kanyang aspaltong daan
  • Ako ang preskong hangin
  • Sa kanyang alimuom at alinsangan
  • Ako ang bakasyon
  • Siya ang kalungsuran
  • Mapapagod ka sa kanyang
  • Tugtugin at hahanapin mo ako balang araw
  • Pangako yan' sayo akong maglalayag
  • Kung sa laot na kay lawak ikaw ay maligaw
  • Magbalik ka sakin
  • Kung ang susunod na puluma'y di matanaw
  • Magbalik ka sakin
  • Kung magbanta ang mga ulap na abot tanaw
  • Magbakalik sa akin
  • Kung abutin ka ng gabi't kumutan ng ginaw
  • Sindihan mo ang pabaon kong gasera
  • Pihitin mo ang sagwan
  • Magbalik ka sa akin
  • Minsan noong nakabalik na kami siya
  • Siyudad matapos kong
  • Sa wakas ay magtapat
  • Pinaawit niya ako
  • Ng mga paborito niyang kanta
  • Pinakapa niya sa'kin
  • Ang tipan nila sa gitara
  • At sa gitna ng pagtugtog
  • Hinawi niya ang kurtina
  • Ng buhok sa aking mga mata at ngumiti
  • Na parang may pangako ng hindi paglayo
  • Agad din siyang tumayo
  • Bumalik sa paglalakad
  • Aking maglalayag
  • Kung ang pagmamahal
  • Sa di maaaring manatili ang aking sumpa
  • Bigyan sana ako ng mga bathala ng isla
  • O kung marapatin lang ikulong ako sa siyudad
  • Isang kabibe
  • Yung makukopkop ko sa aking mga palad
  • Yung madidikit ko sa akong taynga
  • Yung aalayan ako ng awit sa dagat
  • Na kahit kailan hindi matatapos
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

42 0 1

2020-11-14 15:29 vivo 1811

Quà

Tổng: 0 6

Bình luận 0