Arangkada

'Wag mo pilitin na isipin na walang pag asa

  • 'Wag mo pilitin na isipin na walang pag asa
  • Pagkat meron pa yan
  • Tingnan mo yung karamihan na meron pasan
  • Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata
  • Sila pang magtatanong kung nakakain ka na
  • Namamagang mga mata mga hitang pata pata
  • Pakiramdam mo ba ay meron kadena sa paa
  • Dahil sa bossing mong panot masungit at lobo ang tyan
  • Naku kung ako sayo tatawanan ko lang yan
  • Dahil alam mo naman ang pagsubok
  • Dadaanan mo yan para mahubog
  • Wala namang mali sa pagsugod
  • Kung walang pinapalampas wag kang matulog
  • At kung sakaling mahulog tandaan na meron sasalo
  • Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
  • Hindi uso ang bakasyon kahit araw ng sabado
  • Walang hintuan mapagod man o hatakin ka ngayon ng kama mo tara
  • Arangkada
  • Wala munang papara
  • Kahit na madapa ka
  • Huwag isiping wala na
  • Basta't tandaan lang na lagi kang may kasama
  • Pagpatuloy ang martsa
  • Bilisan arangkada
  • 'Di lamang ikaw ang may problema marami
  • Ang payo ko sa iyo ugaling tsinelas palagi
  • Problema sa pera at problema sa renta
  • Problema sa pag ibig ganyan talaga
  • Oras oras napapaisip at napapatitig sa salamin nanahimik
  • Tinitigan mo sya at bigla kang napahirit
  • Magaling ka kumanta bakit hindi ibirit
  • Todo bigay at halos mapatid ang litid
  • Papadaig ka ba sa utak na makitid
  • Eh ano sa kanila kung bigla kang tumirik
  • Maraming kokontra natural ang mabwisit
  • Ang mamato ng bunga dyan sila mahilig
  • Nagkalat ang ganyang uri ng tao sa paligid
  • Pero salamat na rin kaya ako lageng mainit
  • Hanapin ang sagot bawal ang sirit
  • Magagawa mo rin ang kaya mong gawin sa panaginip
  • Bilisan arangkada
  • Wala munang papara
  • Kahit na madapa ka
  • Huwag isiping wala na
  • Basta't tandaan lang na lagi kang may kasama
  • Pagpatuloy ang martsa
  • Bilisan arangkada
  • Alam mo ba na nagsimula lang din ako sa kalye
  • Hindi pa swabe kabado pa date pasmado pa pare
  • Madalas na sermonan pero ganado palage
  • Ok lang pagsabayin basta pasado sa klase
  • Yan ang sabe alam ko na mahirap yun gawin
  • Pero ako si makulit kaya tinutuloy pa rin
  • Derederetso na kapag meron inayang dumating
  • Inaraw araw dahil nagbakasakaling gumaling
  • Lahat ng bumangga dapat ay bulagta
  • Umabot pa nga sa punto na naging sugal na
  • Yun nga lang pano na lang kaya pag ako'y gurang na
  • Nung maisip ko yon parang ayaw kong tumanda
  • Kaso hindi naman pwede na ganon
  • Kasi nga mas mabilis pa kay Lydia tong takbo ng panahon
  • Bago pa mapunta don susulitin ko na muna
  • Dahil ang lalakarin ko ay sadyang malayo layo pa
  • Arangkada
  • Wala munang papara
  • Kahit na madapa ka
  • Huwag isiping wala na
  • Basta't tandaan lang na lagi kang may kasama
  • Pagpatuloy ang martsa
  • Bilisan arangkada
  • Bilisan mo lang
  • Bilisan arangkada
  • Wala munang papara
  • Kahit na madapa ka
  • Huwag isiping wala na
  • Basta't tandaan lang na lagi kang may kasama
  • Pagpatuloy ang martsa
  • Bilisan arangkada
  • Bilisan mo lang
  • At kung sakaling mahulog
  • Tandaan na meron sasalo
  • Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
  • Bilisan mo lang
  • At kung sakaling mahulog
  • Tandaan na meron sasalo
  • Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo
  • Bilisan mo lang
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Come to join my duet!

36 3 1557

2020-11-7 14:24 realmeRMX2180

Carta hadiah

Jumlah: 0 2

Komen 3