Naghihintay(Explicit)

Isang babaeng itinuring kong asawa

  • Isang babaeng itinuring kong asawa
  • Kahit hindi kami kasal ay nagpasya
  • Na kaming magsama at mabuhay
  • Sa pamamagitan ng pagkanta
  • Kahit hindi sapat ang kinikita naming halaga
  • Kaya kami ay nagpasya na manirahan sa maynila
  • Dahil kailangan namin nang mas malaking kita
  • Nagtiis kami umupa sa mainit na lugar
  • Dahil yun lang ang kaya namin perang napundar
  • Tumagal ang ilang araw halos isang buwan
  • Napapansin ko ang hirap ay hindi mo na matagalan
  • Kaya nung minsan may nag-alok sayo mangibang bayan
  • Para sa ating pangarap hindi kana nag-alinlangan
  • Lahat ginawa mo upang ikay payagan ko
  • Nagtiwala ako sa sinabi mong
  • Hayaan mo isang taon lang ako doon
  • Hindi ako magtatagal at pagbalik ko
  • Pangako ko tayoy magpapakasal
  • Kung nasaan ka man lagi mong tandaan
  • Na may naghihintay sayo at umaasa
  • At kung hindi kana magbabalik kahit gano kasakit
  • Ay pipilitin kong kalimutan ka kahit mahal kita
  • Sa sobrang pangungulila ako ay nanghihina
  • Dahil sa chat at sa cam nalang tayo nagkikita
  • Hanggang sa ang ating communication naging madalang
  • At tumagal pa nga sakin ikaw laging wala ng paramdam
  • Ganun pa man ay ginawa ko ang lahat
  • Akoy nagsikap upang sayo ay hindi maging pabigat
  • Di ko namalayan na tatlong taon na ang dumaan
  • Kaya ako ay nagpasya na sa Japan ikay sundan
  • Upang tulungan ka sa pag abot ng ating pangarap
  • At sa akin pagdating ikaw ang una kong hinanap
  • Agad ako nagtungo kung san nagtatrabaho
  • Nung makita kita ang laki ng iyong pinagbago
  • Niyakap kita wala akong oras na inaksaya
  • Ngunit ramdam ko na para bang hindi ka masaya
  • Laking gulat ng aking kamay iyong tinabing
  • At sinabing pagibig koy sa iba nalang ibaling
  • Kung nasaan ka man lagi mong tandaan
  • Na may naghihintay sayo at umaasa
  • At kung hindi kana magbabalik kahit gano kasakit
  • Ay pipilitin kong kalimutan ka kahit mahal kita
  • Walang awa mo akong pinagtabuyan
  • Matapos mo akong paasahin sa wala
  • Ngayon ay papayuhan mo ako
  • Na tanggapin nalang na di talaga tayo
  • Kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago
  • Ang iyong isip dahil nakamit mo na ang yong pangarap
  • Kaya di ka natuwa na ikaw ay aking hinanap
  • Para sa kayamanan akoy iyong pinabayaan
  • At iyong pinagpalit sa isang matandang mayaman
  • Dinamdam ko ang iyong pagpapaasa
  • Habang akoy labis na nagdurusa
  • Ikay nagpapakasasa ginawa kong inspirasyon ang nangyari
  • Upang magsipag baka sakali sa aking pagyaman ikay mabawi
  • Luha ay aking hinawi naglakad papalayo
  • Habang sinasabing sanay maging masaya kayo
  • Sa pagsara mo ng pinto sabay pagbagsak ng luha
  • Hanggang kailan ba ako masasaktan at magdurusa
  • Ganun kadale
  • Dimo ba nakikita Benjo maginhawa ng buhay ko
  • Makukuha ko na mga gusto ko natupad ko na mga pangarap ko
  • Hindi pa ba maliwanag sayo yon ayoko na bumalik
  • Sa masikip at mainit na lugar natin sa pilipinas
  • Ayoko na makaranas ng kahirapan ayoko na Benjo kaya please umalis kana
  • Hindi ako aalis cherry
  • Umalis kana
  • Hindi ako aalis hanggat hindi kita kasama
  • Ayoko na sayo
  • At sa aking ilang taon pag tatrabaho sa Japan
  • Kahit gano kahirap ay kinaya kong pag tiyagaan
  • Dahil sa kasagutan ko ikay bawiin
  • Hindi ko inasahang may darating
  • Upang ang lungkot koy pawiin
  • Isang babaeng na hindi umalis saking tabi
  • Nung mga panahong binabalot ako ng pighati
  • Mabigat man ang loob ko nagawang niyang pagaanin
  • Kaya di nagtagal syay aking natutunan mahalin
  • At lumipas ang ilang taon habang kami ay nagtatagal
  • Ay nagpasya na kaming dalawa na magpakasal
  • Kami ay naging masaya wala na akong mahihiling
  • Ngunit di ko inasahan ang iyong biglang pagdating
  • Ikay umiyak at sakin nagmamakaawa
  • At sinabi hiwalay na kayo ng iyong asawa
  • Kala mo sayong pagbalik akoy natutuwa
  • Lakas pa ng loob mong sabihin ikay mahal ko pa
  • Kahit na konti sakin hoy wala na kong drama
  • Natuto nako matapos mo akong gawing tanga
  • Di moko madadaan sa mga pagluha mo
  • Hindi lahatna wala gusto mako ugamo
  • Umalis kana wala na tayo dapat pag usapan
  • Naghilom na ang puso kong lubha mong nasugatan
  • Wala akong magawa gustuhin ko man maawa
  • Pero kailangan nating gawin kung ano ang tama
  • Ayokong masaktan ang asawa ko
  • Habang may panahon pa
  • Itama natin mga pagkakamali natin
  • Umiiyak at pano ako Benjo mahal kita
  • Kailan mo ba ako mapapatawad
  • Sa minsan pagkakamali nagawa ko sayo
  • Please naman oh idilat mo nga mata sa katotohanan
  • May asawa't anak nako
  • Hindi nako yun karapat dapat na lalake para sayo
  • Maganda pa hinaharap mo Cherry wag mong ikulong sarili
  • Sa pagmamahal sa isang taong may pamilya na
  • Umiiyak hindi naman ako naghahangad na higit pa sayo
  • E Benjo eh ikaw lang ang gusto ko akin ka dapat e
  • Ako dapat ang asawa mo tayo dapat yong may masayang pamilya
  • Mahal ko si nerma cherry at ang pamilya ko
  • Ang pinaka importante sa buhay ko ngayon
  • Sana sapat na dahilan yun para tumigil kana
  • I'm sorry for everything Cherry
  • Pero wala ka ng babalikan pa
  • Kung nasaan ka man lagi mong tandaan
  • Na may naghihintay sayo at umaasa
  • At kung hindi kana magbabalik kung gano kasakit
  • Ay pipilitin kong kalimutan ka kahit mahal kita
00:00
-00:00
View song details
sablay tlga gumawa ng chorus....my manok🤣🤣🤣🤣🤣 sencia na self duet mo na...

28 5 1

2022-2-14 10:49 GALAXY Note 5

Gifts

Total: 0 0

Comments 5