Dahil Sayo Panginoon

Sayo panginoon salamat po

  • Sayo panginoon salamat po
  • Dahil sayo ako'y nagbago
  • Diyos salamat po
  • Sa pag ibig mo
  • Kailanma'y di na ko mabibigo
  • Dahil sayo nagbago ang lahat ng pananaw sa buhay
  • Ikaw ang nagbigay ng ligaya at ang tunay
  • Ko na pagkatao ay mas nakilala ko
  • Salamat po sa lahat at pinaalala n'yo na
  • May nagmamahal sa akin at ikaw ang
  • Dahilan kung ba't ngayon sinisigaw ng
  • Damdamin ko sayo di ko kayang mawalay
  • Panginoon para sayo handa ko pong ialay
  • Ang lahat sa akin kung 'yan ang paraan
  • Na para liwanagan tinatahak kong daan
  • At mapasalamatan ka man lang sa ginawa mong
  • Pagsasakripisyo para mapadama mong
  • Sa amin na kami'y hindi nag-iisa
  • Alam kong pagmamahal mo ay nasa bawat isa
  • Kung kaya't laging nasa puso't isip ko kayo
  • Tiwala ko'y laging sayo alam kong di ka lalayo
  • Panginoon
  • Sayo panginoon salamat po
  • Dahil sayo ako'y nagbago
  • Diyos salamat po
  • Sa pag ibig mo
  • Kailanma'y di na ko mabibigo
  • Buhay ko ay miserable ng hindi ka pa kilala
  • Para sa'kin imposibleng makahanap ligaya
  • Ligayang di mawawala kahit walang datong
  • Ako'y sanay may maapakan at sa bisyo'y nalulong
  • Ngunit sa salita mo puso ko ay natamaan
  • Na anak mahal kita kahit ika'y makasalanan
  • At hindi kita iiwan akong magpaparaya
  • Halika na't lumapit at sa'kin ipaubaya
  • Ang lahat-lahat at yan sapat ng dahilan
  • Para ang ligaw na tupa sa mata ng iilan
  • Ay magbago na maglaho na ang dating pagkatao
  • Binago n'ya pangako n'ya na sa bawat tao
  • Ay makakaranas ng sayang walang katulad
  • At maipamalas ang pag ibig n'ya na s'yang mumulat
  • Sa bawat isa salamat sa lahat panginoon
  • Dahil sayo may liwanag na ang buhay ko ngayon
  • Salamat po
  • Sayo panginoon salamat po
  • Dahil sayo ako'y nagbago
  • Diyos salamat po
  • Sa pag ibig mo
  • Kailanma'y di na ko mabibigo
  • Naipako ka sa krus ng walang kalaban-laban
  • Kahit di mo kasalanan ay pilit mong pinaglaban
  • Na kami ay masalba at sayo makabalik
  • Ang pagbabago ng lahat ikaw pang mas nasasabik
  • Dahil ang nais mo na kami'y di maligaw
  • At sayong mga kamay di kami makakabitaw
  • At magsisilbi kang ilaw liwanag sa dilim
  • Liwanag ka sa aming buhay at tugon sa'ming hiling
  • Salamat po bathala sa mga kabiyayaan
  • Sa iyong pagpapatawad at kami'y naunawaan
  • At kami'y pinag-alayan sa tangi mong anak
  • Buhay niya'y pinagpalit sa kaligtasan ng lahat
  • Kabutihan mo'y sapat sapat ng kadahilanan
  • Na para putulin ko sungay ko't aking iwanan
  • Ang poot at kamalian kasabay sa pangangarap
  • Na mapasayo ang diwa kung ikaw ang hinahanap
  • Salamat sa lahat
  • Panginoon mula noon
  • Hanggang ngayon ikaw ang s'yang karamay ko
  • At nais ko malaman mo mula noon
  • Na ikaw lang ang s'yang nag-iisa
  • Sayo panginoon salamat po
  • Dahil sayo ako'y nagbago
  • Diyos salamat po
  • Sa pag ibig mo
  • Kailanma'y di na ko mabibigo
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Join me here pls....Your request 🙏 God bless to you keep Goin God is with us... 😇 Although nahirapan aq managalog 😅😅😅

23 3 1

2021-7-29 00:08 HUAWEIMRD-LX2

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 7

ความเห็น 3