Masdan Mo Ang Kapaligiran

Wala ka bang napapansin

  • Wala ka bang napapansin
  • Sa iyong mga kapaligiran
  • Kay dumi na ng hangin
  • Pati na ang mga ilog natin
  • Hindi na masama
  • Ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating
  • Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
  • Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
  • Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
  • Sa langit huwag na nating paabutin
  • Upang kung tayo'y pumanaw man sariwang hangin
  • Sa langit natin matitikman
  • Mayron lang akong hinihiling
  • Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
  • Gitara ko ay aking dadalhin
  • Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
  • Mga batang ngayon lang isinilang
  • May hangin pa kayang matitikman
  • May mga puno pa kaya silang aakyatin
  • May mga ilog pa kayang lalanguyan
  • Bakit di natin pagisipan
  • Ang nangyayari sa ating kapaligiran
  • Hindi na masama ang pag-unlad
  • Kung hindi nakakasira ng kalikasan
  • Darating ang panahon mga ibong gala
  • Ay wala nang madadapuan
  • Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
  • Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
  • Lahat ng bagay na narito sa lupa
  • Biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa
  • Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
  • Pagkat pag kanyang binawi tayo'y mawawala na
  • Mayron lang akong hinihiling
  • Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
  • Gitara ko ay aking dadalhin
  • Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
  • Gitara ko ay aking dadalhin
  • Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

45 9 1627

2021-10-2 20:03 iPhone 6

Quà

Tổng: 0 13

Bình luận 9