Hanggang Dito Na Lang

Unang-una sa lahat nais kong magpasalamat

  • Unang-una sa lahat nais kong magpasalamat
  • Sa pag-aalaga mo sa isang katulad ko
  • Na malapit nang iwanan ang mundo
  • Di mo ko pinabayaan pilit mo kong pinaglaban
  • Sa karamdaman na alam nating lahat
  • Na hindi na kaya pang lunasan
  • Isa lang naman ang tangi kong hiling
  • Wag kanang malungkot ako'y masaya
  • Kasama ka hanggang sa aking huling hininga
  • Sapat na sakin nang malaman ko
  • Kung ga'no mo ko kamahal at
  • Kung gaano ko sayo kahalaga
  • Pinatunayan mo hinding-hindi iiwan
  • Hanggang sa dulo nang pagsubok
  • Ngayon magpapaalam na
  • Wag mo sanang pabayaan ang sarili
  • Wag masyadong dibdibin hinding-hindi ako mawawala
  • Nandito lang ako laging gumagabay
  • Hanggang sa makahanap nang lalaki
  • Sakin pwedeng ipalit
  • Makita ko lang kayo na masaya
  • Ay masaya na akong harapin
  • Ating diyos na ama
  • Pagkawala ko ay isang daan
  • Para kayo'y magkakilala
  • Dahil kayo ay itinadhana sa isa't-isa
  • Matatamis na ala-ala ang ngiti sayong mukha
  • Mga araw na masaya kung pa'no ka mag-alala
  • Lagi mo kong sinasamahan sa hirap man o ginhawa
  • Kahit gaano kalungkot nakukuha mong mapatawa
  • Heto ay isang awitin na pasasalamat
  • Para sa isang babaeng nagpahalaga ng buhay ko
  • Ginawa nya ang lahat upang hindi ko madama
  • Na patapos na pala ang misyon ko sa mundo
  • Mahal hanggang dito na lang ako
  • Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
  • Patawad na mahal mga luha'y punasan na
  • Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
  • Paalam na mahal patawad patawad
  • Salamat sa lahat ng sakripisyong naipakita mong ibinigay na kapalit
  • Nang pagsira ko sa'ting sinumpaang mga pangakong walang iwanan
  • Ngunit bakit ang kapalaran ay madamot sakin
  • Ay nakasimangot tanong ko kung ano ang dahilan
  • Bakit kailangan na tuluyan nang magkalayo sa'ting dalawa
  • Tadhana ay mapaglaro pinipilit kong lumaban
  • Pero ako'y nabigo at iniwanan na ang puso kong nagdurugo
  • Kung maibabalik ko lang ang panahon at kaya kong patigilin
  • Ang oras kung saan ako buhay na tayong dalawa na magkasama
  • Pipilitin ko na kunan ang lahat nang pagkukulang ko sayo
  • Mahal ikaw lang laging lakas nang loob upang tumayo
  • At ipagpatuloy ang laban kahit na humantong
  • Sa hindi inaasahan na ikaw ay iwan ko
  • Pero wala kong magawa subalit laging tanong bakit
  • Karamdaman ko'y wala bakit kapalaran ko ay pangit
  • Mapait gustong magalit sisihin ang langit kung bakit
  • Naipit sa sitwasyon na hindi ko gusto na pinipilit kong takasan
  • Ang kamatayang nakataning hinahagad na sa oras na nakatakdang mangyari
  • At nangyari na't hindi ko naiwasan
  • Mahal hanggang dito na lang ako
  • Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
  • Patawad na mahal mga luha'y punasan na
  • Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
  • Paalam na mahal
  • Maraming salamat sa lahat ng kaligayahang ibinahagi mo
  • Sa buhay ko nung nakilala kita at nakasama ko
  • Sa isang pag-ibig nagsumpaan sa isa't-isa
  • Walang iwanan isang pangakong iningatan magpakailanpaman
  • Ipagpaumanhin mo sana kung sakaling mawala na ako
  • Kahit sa langit babaunin ko lahat ng magagandang ala-ala na'ting dalawa
  • Nung tayo'y magkasama nangangarap at binubuo ang mga pinapanalangin ko
  • Na matupad lahat nang mga kahilingan ko para sayo
  • Ay gagawin ko patutunayan ko tapat at totoo
  • Itong pag-big buong buhay inilaban ko
  • Ngunit kinakailangan ko nang magpaalam
  • Sa isang malungkot na dahilan
  • Tungkol sa aking karamdaman na di na kayang lunasan
  • Mataas ang mapait na kapalaran sa pag-ibig nating dalawa
  • Pero wag kang mangamba ikaw lang ang nag-iisa
  • At wala nang ibang babae na mas hihigit pa
  • Katulad nang pag-ibig ko sayo kahit sa kabilang buhay
  • Ito ay aking dala-dala
  • Gusto ko lang naman malaman mo
  • Pangalan mo ang sigaw kahit minsa'y naligaw itong damdamin ko
  • At sana'y patawarin mo ako sa lahat nang kasalanan
  • Pagkakamaling nagawa ko sayo
  • Mahal ako'y magpapaalam na
  • At ang mundong ito ay lilisanin ko na
  • Sa kalangitan ako ang magsisilbing bituin mo
  • Laging nakatingin nakabantay sayo san ka man makarating
  • Mahal hanggang dito na lang ako
  • Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
  • Patawad na mahal mga luha'y punasan na
  • Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
  • Paalam na mahal
  • Hanggang dito na lang ako
  • Ang langit ay tumatawag at nais na kunin ako
  • Patawad na mahal mga luha'y punasan na
  • Ayokong makitang may lungkot sayong mga mata
  • Paalam na mahal
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

28 2 4227

9-2 18:19 INFINIXInfinix X6837

Gifts

Total: 0 6

Comments 2