Lamanloob

Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang

  • Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang
  • Ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang
  • Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko mukhang
  • Ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang
  • Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang
  • Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang
  • Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang
  • Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang
  • Sunod sunuran na naman ako sa'yo
  • Lagi na lang ba tayong ganito
  • Sabi ng iba wag ko na nga lang daw isipin
  • Dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin
  • Kinanta mo sakin ang lahat ng lihim
  • Kapalit ng sarili kong handang magpa alipin
  • Para lang mga pangarap kong matagal ng nakabitin
  • Gawing katotohanan pagkagising
  • Sa gutom at gigil hakbang ko'y pasugod
  • Walang alam sa kung anong pwedeng mangyare kasunod
  • Biglang dating ng eksenang ngayon ko lang napanuod
  • Ang masamang aso'y muli na namang nagpaka busog
  • Nangangahulugang walang may kayang mag isa
  • Kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila
  • Kung may nahuli ka mga aral ata'y napupulot lamang
  • Kapag nasa sahig ka na
  • May mga bagay sa mundo
  • Iba't ibang hilig at gusto
  • Tulad ng puso at ng isipan
  • Na bibihirang magkasundo
  • Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob
  • Kanino nga ba ko susunod tingin paloob
  • Sunud sunuran na naman ako sa'yo
  • Lagi na lang ba tayong ganito
  • Sabi ng utak ko sakin wag ko na lang damdamin
  • Isipin ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin
  • Kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo
  • Punuin mo ng kaalaman yang ulo mo katoto
  • Di na pwede yung tulad ng dati puro na lang oo
  • Uulitin lang kung anong itinuro parang loro
  • Sa bokabularyo ko hindi na uso ang bumoto
  • Sa gobyernong walang aasahang tulong o saklolo
  • Ba't di ka mag isip mag isa
  • Matutong kang magsolo di pwedeng puro palakpak
  • Dapat una muna pondo
  • Ubod ng metikuloso na ang utak ko
  • Ayoko na kasing ako'y maisahan madugas o maloko
  • Natuto na ko dati nung binuhos ko ng todo
  • Ang lakas at ang tiwala ko sa puso ko na bobo
  • May mga bagay sa mundo
  • Iba't ibang hilig at gusto
  • Tulad ng puso at ng isipan
  • Na bibihirang magkasundo
  • Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob
  • Kanino nga ba ko susunod tingin paloob
  • Wag matakot sa nararamdaman
  • Sundan mo sundan mo sundan mo sundan mo
  • Ang kasaguta'y nasa isip mo lang
  • Buksan mo buksan mo buksan mo buksan mo
  • Wala nang natira ni katiting na porsyento
  • Ng lakas para makapagisip ng deretso
  • Kailangan kong prumoseso
  • Kung may magtuturo lang ng tulay na maguugnay
  • Sakin patungo sa templo
  • Naguumapaw sa utak mga ideya at konsepto
  • Retoke paulit ulit imposibleng makuntento
  • Perpekto na ang plano bawat detalye kumpleto
  • Pero wala kong lakas ng loob gawing kongkreto
  • Sinunod ko nga ang puso at ang utak sinuway
  • Binusog ko ang damdamin ngunit bulsa' umaray
  • Kung legal ang pumaslang marami na kong napatay
  • Wala na ngang puso sunog pa ang baga pati atay
  • Napakapit kay inay ang pasmado kong kamay
  • Mga payo ni itay tangi kong gabay
  • Sa puso mo ipasok at sa isip ilagay
  • Kung ika'y nalilito gamitin mo ng sabay
  • Kasi
  • May mga bagay sa mundo
  • Iba't ibang hilig at gusto
  • Tulad ng puso at ng isipan
  • Na bibihirang magkasundo
  • Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob
  • Kanino nga ba ko susunod tingin paloob
  • Wag matakot sa nararamdaman
  • Sundan mo sundan mo sundan mo sundan mo
  • Ang kasaguta'y nasa isip mo lang
  • Buksan mo buksan mo buksan mo buksan mo
  • Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang
  • Ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang
  • Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko mukhang
  • Ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang
  • Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang
  • Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang
  • Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
LAMANLOOB❤️👈

143 5 1

2023-8-24 21:42 XiaomiM2010J19SG

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 2

ความเห็น 5