Tugmang Preso(Explicit)

Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto

  • Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto
  • Sa Buy bust operation sa Makati City
  • Siya si Marlon Peroramas
  • O mas kilala bilang si Loonie
  • Members of Makati's d**g enforcement unit
  • Have arrested rapper Loonie
  • Nakuhanan sila ng ilang pakete ng droga
  • Miyerkules nung nakaraang linggo
  • Nang maaresto si Loonie at apat na iba pa
  • Matapos makumpiskahan ng Kush
  • For high grade marijuana
  • Bagamat makulay ang mga pabalat
  • Alam mong mahusay ang pagkakalahad
  • Mga tunay na ganap isinulat ng pa-rap
  • Kaya 'wag ka nang magulat
  • Kung magtutugma lahat
  • Sapagkat ito'y galing sa memorya
  • Isang napaka-importante na istorya
  • Ito ang aking personal na testimonya
  • Pangontra sa mga ignorante na teyorya
  • Ito ay tunay na buhay
  • Wala 'kong dahilan para magsinungaling
  • At mga detalye palitan
  • Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman ng
  • Marijuana ng mga parak na mukhang taliban
  • Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas
  • Sa isang gusali doon sa may Ortigas
  • Walang oras bago ang rehas ay mahimas
  • Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas
  • May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon
  • Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon
  • Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon
  • Dahil meron pa 'kong
  • Pupuntahang isang okasyon
  • Do'n sa Poblacion birthday daw ni Shawn
  • 'Yun lang alam ko na detalye pa noon
  • Medyo masama ang panahon umaambon
  • Kaya tinext ko na si utol
  • Pumunta ka na ngayon
  • Humiwalay na si Ron sumakay ng taxi
  • Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee
  • Utol kong si Idyll sinundo ako sa lobby
  • Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari
  • Saan tayo pupunta Private daw na party
  • 'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati
  • Bata na may cancer kumontak kaniyang mommy
  • Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby
  • Pangalan daw ay Shawn walang pake sa money
  • Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy
  • Lumambot ang aking puso nung una ko narinig
  • Naawa ako kay Shawn mga luha nangilid
  • Nung nalaman kong lagay na
  • Daw ng bata tagilid
  • 'Di niyo kailangan magbayad
  • Pupunta ako sa event
  • Rekta sa Makati kahit traffic ay kainip
  • Hay
  • Kasama ko si Rude at si Ivan ang sikip
  • At si Kuya Albert 'yung driver kong mabait
  • At tsaka si Idyll aking manager at kapatid
  • Na merong talastimya isang kakaibang sakit
  • Kailangan niya laging salinan ng dugo
  • Na pantawid at dahil malapit
  • lang sa hotel 'yung Makati Med
  • Sumabay na lang siya sa'min
  • Para mas makatipid
  • Sabay ka na para isang kotse na lang
  • 'Yung katabi ko sa back seat
  • Si Rude Boy at si Ivan
  • Documentation security at hype man
  • Bali siksikan kami sa aking tsikot
  • Wag malikot
  • Tatlo kaming mga lalaki sa likod
  • Pagdating sa Makati sakto lang 'yung tayming
  • Nag-text na rin 'yung mommy at nagsabing
  • Nag-start na daw 'yung party
  • Sa basement daw 'yung parking salamat
  • Sa pagpunta pasok lang kayo darling
  • Pagbaba ng kotse
  • Hinanap ko 'yung main floor
  • May nagpa-litrato sa tabi ng elevator
  • Idol pwede favor baka pwede magpa-picture
  • Kasi idol na idol
  • Ka talaga ng anak ko na grade four
  • Yeah four
  • Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang razor
  • Tapos tinutok sa'kin 'yung
  • Baril ni terminator positive sir
  • Pero bilang na rator lagyan natin ng flavor
  • Para 'di masyadong halata 'yung
  • Trauma ko na major what the ****
  • Nakakagulantang 'sang katutak na ninja cops
  • Sa amin ang tumambang
  • Parang WuTang Clan lang
  • Lampas sampu lumabas sa van
  • Pasensya na idol napag-utusan lang
  • Humakbang paatras at wala nang nagawa
  • Tinutukan ng beretta sa mukha
  • Pinadapa pinosasan
  • Pilit pinapatingin sa baba
  • Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa
  • Akala ko kidnap for ransom ang sadya o
  • Kaya baka prank lang 'to na malala
  • 'Langhiya
  • Dapa dapa dapa
  • Kamay sa likod tingin sa baba dapa sabi eh
  • Nakadapa kami habang napapanood ng aking
  • Utol na kasalukuyang naka-bukod
  • May tinabi silang kahon
  • Malakas kaniyang kutob na meron 'tong
  • Mga lamang kontrabando sa loob
  • Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak
  • Nung isa na sa mga kasama nila nasapak
  • Walang uniporme at naka maskara lang
  • Lahat walang Mirandang binasa
  • Basta basta lang agad my God
  • Sikat na hotel
  • At nakakapagtaka'y maraming CCTV
  • Lahat nakapatay
  • Wala man lang body cam na nakalagay
  • Kahit kuha man lang ng cellphone
  • Gamit kamay sabi daw ng pulisya
  • Sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma
  • Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma
  • Walang video ng palitan magmula nung umpisa
  • Kung under surveillance pala dapat
  • May footage ka
  • 'Di ba Kung under surveillance pala
  • Dapat may footage na
  • Kung normal na tao nagva-viral
  • 'Pag nahuli siya
  • Paano na lang kaya kung si Loonie pa
  • Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena
  • Mga ulo nila bigla nagkaroon ng bumbilya
  • Para ma-promote sa pwesto
  • Ako ang pinuntirya
  • Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida
  • 'Di ba 'di ba
  • Bigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood
  • Nila 'yung live ko sa PDEA
  • Nung binan nila 'yung kantang
  • Amatz dahil sa tema
  • Pero Maria Hiwaga ni Sassa walang problema
  • Aba punyeta talamak na ang taniman
  • Buy bust daw kaso bakit parang madalian
  • 'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan
  • At kalimitan minamanmanan ng malayuan
  • Malapitan
  • May mga camera na nakatago sa pagitan kaya
  • Medyo weirdo kasi walang video ng palitan
  • Akala ko ba buy bust 'to
  • Na malakihan nakakapagtaka lang kaibigan
  • Gusto mong maintindihan at mabatid
  • Gamitin mo lang ang sentido kumon kapatid
  • Para sa isang daang libro magpapaka-astig
  • Kayang-kaya ko 'yang kitain ng
  • Triple isang gig at kung pusher man ako
  • Na sinasabi nilang w**d
  • Bakit naman ako pa mismo maghahatid
  • Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka
  • Bihira mong makita sa kalsada tumawid
  • At bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala
  • Kung sa eksena ko ay maraming nagma marijuana
  • Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang
  • Sinusugal ang karerang matagal
  • Kong pinagsikapan bakit isasama ko pa 'yung
  • Kapatid kong may karamdaman
  • At camera man para mag-vlog ng kaganapan
  • Walang saysay na mga paratang
  • Pawang haka haka
  • Lamang para pangalan ko ay yurakan
  • Alam kong meron akong mga paa na natapakan
  • Ngunit 'di ko 'yon sinasadya
  • Ako ay tao lamang
  • Pinaglaban lang ang paglikha
  • Ng merong kalayaan at kung 'yon ay masama
  • 'Yun lang ang aking kasalanan
00:00
-00:00
查看作品詳情
Let's listen to my solo!

50 3 1

5-5 19:54 Xiaomi21081111RG

禮物榜

累計: 0 0

評論 3