Tinta

Pwedeng asul

  • Pwedeng asul
  • Pwedeng itim
  • Pwedeng pula
  • Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila
  • Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
  • Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta
  • Ahh ahh ahh ahh ahh
  • Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang
  • Ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng
  • Damit sa poso paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga
  • Letra na parang petsa sa kalendaryo
  • Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks
  • At dyaryo ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
  • At hindi imbento na parang gamot ng albularyo
  • Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-anim
  • Ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leeg
  • Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada
  • Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magakatugma na ang tawag ay tula
  • Ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na
  • Sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta
  • Pwedeng asul
  • Pwedeng itim
  • Pwedeng pula
  • Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila
  • Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
  • Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta
  • Ahh ahh ahh ahh ahh
  • Ahh ahh ahh ahh ahh
  • Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo papasok ka sa eskwela
  • Manghihingi ka ng baon kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
  • Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
  • Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
  • Ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
  • Na balang araw ay sasambitin awit mo'y kakantahin
  • Ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin
  • Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
  • Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
  • Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
  • Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
  • At walang makakapigil kahit minsan ay parang
  • Wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran
  • Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo
  • Sa akin kung paano mo ginamit ang tinta
  • Pwedeng asul
  • Pwedeng itim
  • Pwedeng pula
  • Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila
  • Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
  • Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta
  • Ahh ahh ahh ahh ahh
  • Ahh ahh ahh ahh ahh
00:00
-00:00
View song details
Come to join my duet!

6 0 1

2021-1-5 20:28 lenovoLenovo K8 Note

Gifts

Total: 0 0

Comments 0