Dedma

Bakit hindi ko maintindihan

  • Bakit hindi ko maintindihan
  • Sino ba at nasaan ha
  • Ano siya anito superhero
  • Taga rito ba o baka taga buwan
  • Ano ba yan gawa gawa lang ba ng tao
  • O kabaliktaran tulad ni adan
  • Yung totoo 'di mo alam
  • Ayaw maki alam
  • O wala ka lang paki alam
  • Andami nang namamatay pumapatay
  • Nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
  • Mga bata'y nadadamay sa mga away
  • Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin
  • Puro pa gera dulot ng pera
  • Nakakalungkot ba't ka ba ubod ng dedma
  • Punyeta retreat sa kweba
  • Oras na ma soddom at gomorrah
  • 'Tong buong planeta teka
  • Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
  • Mga matang nakasunod nakabantay naglalakbay
  • Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
  • Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
  • Pa'no kung walang kabilang byuhay
  • Pa'no niyo kami matutubos
  • Pa'no kung wala pa ring patunay
  • At yun kasi wala naman talagang diyos
  • Na bwakaw magpasamba
  • Kung ayaw mo daw mananalanta
  • Pero ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka
  • Tignan mo deuteronomio kung mapagmahal sya
  • Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya
  • Mukhang natakpan ng piring ang sistema
  • Mga pruweba ng primitibong siyensya
  • Mahirap tanggapin na parading penitensya
  • Sentensya sa mga mapang abuso
  • Kontrolado utak kapagka hawak ang puso
  • Punto sa'n patungo ang relihiyon
  • Sa katapusan ba ng mundo o sa panginoon
  • Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
  • Mga matang nakasunod nakabantay naglalakbay
  • Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
  • Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
  • Minsan di natin nababatid ang kamalian ng lahat
  • Na siyang kay hirap tanggapin
  • At kahit iisa ang kinikilalang diyos ama
  • Ang tanong bakit yata parang dedma yung iba
  • Nasaan nasaan ang kaligtasan
  • Kapag naghiganti na si inang kalikasan
  • Delubyo tapos tuhog sunog chicken inasal
  • Halik ni kamatay sa kamay ng kabihasnan
  • Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan
  • Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran
  • May kaluluwa po ba talaga yung katawan
  • O kathang isip lamang ng mga takot sa kawalan
  • Kailangan ko ng bendisyon
  • Maliwanagan parang thomas edison
  • Kahit mabusisi alam ko sa sarili ko
  • 'Di ko kayo kinekwestiyon malayang desisyon
  • Kasi imposibleng inimbento ka lang
  • Sino ang arkitekto sikreto na lang
  • Perpekto lahat pwera disenyo pa lang
  • Ang tanong bakit gano'n yan ang pala isipan
  • Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
  • Mga matang nakasunod nakabantay naglalakbay
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's listen to it!

167 7 1

2019-12-7 18:54 ipad3

Tangga lagu hadiah

Total: 0 5

Komentar 7

  • Messiah 2019-12-7 20:55

    Professionalna singer

  • Kimberly 2020-1-13 16:54

    Just wondering how many people like this song?

  • Nanda Pastika Tvk 2020-1-13 20:42

    This is brilliant

  • Griselda 2020-3-1 17:02

    Start my day by your singing

  • Donna 2020-3-16 19:27

    You’re so unique

  • Linda 2020-3-27 14:05

    Go for your next cover!

  • Devan 2020-3-27 18:11

    Just randomly searching for the cover of this song and I'm here