Baon

Mula nang makilala ka di na ako nakawala

  • Mula nang makilala ka di na ako nakawala
  • Saan saan ng dumaan hindi pa rin kita natatakasan
  • Kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita
  • At kung ako'y mapatingin bigla na lang naglalaho
  • Na parang hangin
  • Lagi kitang daladala
  • Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
  • Iniisip pa rin kita
  • Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
  • Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta
  • Kahit saan makarating kung nandun ako narun ka
  • Sa may Quiapo sa Lawton papunta ng Luneta
  • Naglalakad sa Roxas Boulevard sa may kuneta
  • Astro Dome dire diretso sa may Baclaran
  • Sa simbahan tuhod ang gamit gamit sa nilakaran
  • Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo
  • Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo
  • Mama para sa tabi bababa na po kami
  • Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami
  • Habang kami nag aabang sa ilalim ng Alabang
  • Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang
  • Dinaanan ang Sucat pagkatapos Bicutan
  • Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan
  • Kahit anong gawin nyo basta okay lang ako
  • Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko
  • Lagi kitang daladala
  • Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
  • Iniisip pa rin kita
  • Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
  • Nang sumapit ang gabi dumaan sa may Ayala
  • Gusto mo maghapunan Sige mayamaya na
  • Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili
  • Sa Greenbelt o Glorietta gamitin mo ang 'yong daliri
  • Bakit wala kang kibo galit ka pa rin ba sa akin
  • May liham ako sa'yo eto subukan mong basahin
  • Sa loob ng MRT kasi ang traffic sa EDSA
  • Makakaupo ka rin pagdating sa Araneta
  • Bumaba sa Quezon Ave uy may shooting sa flyover
  • Paborito mong artista na palaging nasa cover
  • Wala ka bang makita kasi ang daming tao
  • Sige halika dito may naisip akong plano
  • Kumapit ka lang sa akin wag na wag kang bibitaw
  • Teka medyo mataas wag na wag kang sisigaw
  • Kahit anong gawing nyo basta okay lang ako
  • Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko
  • Lagi kitang daladala
  • Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
  • Iniisip pa rin kita
  • Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
  • Nakita na nila ako kasalan mo kasi
  • Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi
  • Napa aga ang pagdating at sa butas ng dingding
  • Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim
  • Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim
  • Ako'y niloko tinoyo tinoyo naging malagim
  • Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik
  • Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik
  • Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay
  • Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay
  • Patawarin mo ako kung sinaktan man kita
  • Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita
  • Halika sumama ka sa'kin sabay tayong tatalon
  • Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon
  • Di ka sa'kin mawawala kahit na sinong pumusta
  • Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa aking bulsa kaya
  • Lagi kitang daladala
  • Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
  • Iniisip pa rin kita
  • Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
  • Mula ng Makilala ka Hindi na ako nakawala
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Join me sa Chorus mga priii 😁😎👌

9 1 1

2021-2-8 10:37 OPPOCPH1853

Carta hadiah

Jumlah: 0 1

Komen 1