Katarungan

Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot umiiyak

  • Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot umiiyak
  • Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag
  • Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad
  • Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa
  • Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak
  • Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa
  • Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya
  • S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa
  • Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya
  • Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan
  • 'Di ba't ang batas natin pantay-pantay walang mahirap mayaman
  • Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan
  • Mga ilang araw na lang haharapin na n'ya ang bitayan
  • Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang walang kasalanan
  • Tanging ang diyos lamang ang s'yang saksi at s'yang nakakaalam
  • Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil kung sino'ng may kasalanan
  • Dumating na ang araw haharapin na n'ya kanyang kamatayan
  • Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang
  • O ang batas ng tao kung minsan ay 'di mo maintindihan
  • Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalana
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Let's listen to my solo!

31 3 1650

2023-5-5 12:44 realmeRMX1911

Tangga lagu hadiah

Total: 0 6

Komentar 3