Pati Pato

Tayong lahat ay may yaman na taglay

  • Tayong lahat ay may yaman na taglay
  • Dapat mapantay kahit na sumablay
  • Di puwedeng matamlay kahit naka saklay
  • Matutong mag antay sa mga sinampay
  • Buhat ng kausapin ko ang aking pangarap
  • Kahit mag tago ka ng mabuti'y aking mahahanap
  • Tinig ng batang probinsyano ay mapalaganap
  • Di ko man inakala na kahit na sa hinagap
  • Ay mapapakinggan kahit na minsan
  • Pag kakataon na ayaw kang bigyan
  • Ng pang lamang tiyan ulam sa pinggan
  • May humatak man sa likod harap ang tingnan
  • Pero huwag kalimutang mag pasalamat sayong mga nakatuwang
  • Kahit na makalamang
  • Hindi mo kailangan pa na mag mayabang
  • Kape man ay matabang
  • Bakit hindi na mainit inumin mo lang
  • Bituwin sa langit na hindi mo pa bilang
  • Mga panaginip sige tuparin mo lang
  • Pati pato
  • Tara sa panibagong kanta at makisalo
  • Panalo at lalong malasa pag hinalo
  • Ang mga barang patok at pamihadong
  • Uulit ulit ulitin upang makabisado
  • Ang mga salita mo laging asintado
  • Dito sa laro hindi man laging sigurado
  • Dapat itaya mo kahit pa dehado
  • Todo mo na ang iyong panabla pati pato
  • Nag simula kami wala akong pera
  • Baon kami sa utang kahit na atenista
  • Wala akong talento hindi rin ako guwapo
  • Pero tangina nila di ako nag patalo
  • Bakit ko papansinin kung san sila lamang
  • Tututukan ko nalang kung san ko kayang galingan
  • Hindi patas ang laban pero sandali lang
  • Wala namang nag sabi na pantay pantay ang ating dadaanan
  • Iba't ibang hagdanan
  • Ang importante ay tuloy tuloy ang pag hakbang
  • Basagin natin ang hadlang huwag mong gamiting dahilan
  • Kapag merong gusto palaging merong paraan
  • Tandaan mo lang kailangan nating
  • Galingan pag meron kang pangarap
  • Huwag na huwag mong papakawalan
  • Lalo na kung meron kang kakaibang aabutin
  • Dapat handa kang pag hirapan
  • Ano man ang harapin Chong
  • Tara sa panibagong kanta at makisalo
  • Panalo at lalong malasa pag hinalo
  • Ang mga barang patok at pamihadong
  • Uulit ulit ulitin upang makabisado
  • Ang mga salita mo laging asintado
  • Dito sa laro hindi man laging sigurado
  • Dapat itaya mo kahit pa dehado
  • Todo mo na ang iyong panabla pati pato
  • Tinapat ang salamin tinanong
  • Kung para saan ka pa ba nandyan
  • Dumaan sa ganito't ganyang hadlang hanggang makaramda
  • Ng pagod mabigo tumino saktan
  • Na nagtulak sakin alamin
  • Ang kaya pa marating ng sulatan at kada hinaing
  • Lalong gumaling nung kala mo napuruhan sa
  • Murang gulang di masukat ang kamalayang sungay
  • Papanuwag sa di makataong mundo nakaka umay na
  • Lumipad habang may buhay gamit husay sama na gulay uh
  • Tsob tsa tagilid
  • Akin aa pamatong utak damdamin
  • San man dalhin ng maduming hangin
  • May baong bara't dasalin'g
  • Panawid sa madugo niyo'ng pain
  • Ang panahon'g to sakin amin kabig
  • Pati pato halata na di malabo para linawin
  • Natural ng may doble kara
  • Anumang mundo ang lakaran
  • Buti nalang ay sanay ako
  • Sa gubat ahas kalat lamang
  • Limitasyon na walang hangganan
  • Ang dala hanggang sa dulo
  • Sige matawa habang may ulo
  • Ka pa sa mata ko tara
  • Tara sa panibagong kanta at makisalo
  • Panalo at lalong malasa pag hinalo
  • Ang mga barang patok at pamihadong
  • Uulit ulit ulitin upang makabisado
  • Ang mga salita mo laging asintado
  • Dito sa laro hindi man laging sigurado
  • Dapat itaya mo kahit pa dehado
  • Todo mo na ang iyong panabla pati pato
00:00
-00:00
查看作品详情
hoowrayy!! poot poot! 😂

191 2 1

2021-9-24 13:52

礼物榜

累计: 0 50

评论 2